Bilang pagpapatunay na sadyang patuloy sa pagtungo sa daan ng pag-unlad ang Bagong Lucena, isa na namang panibagong business establishment ...
Bilang pagpapatunay na sadyang patuloy sa pagtungo sa daan ng pag-unlad ang Bagong Lucena, isa na namang panibagong business establishment ang itinayo sa lungsod.
Ang bagong tayong negosyo na ito ay ang New Mamburao Rice Mill na matatagpuan sa bahagi ng Brgy. Silangang Mayao.
Ang nasabing establisyemento ay pag-aari nina Ginoo at Ginang Teodoro at Emelita Narsoles.
Sa pagbubukas nito, isang misa ang isinagawa bilang bahagi ng ng naturang okasyon na kung saan ay pinangunahan ito ni Rev. Father Merlin Las Piñas.
Sa pagbubukas nito, isang misa ang isinagawa bilang bahagi ng ng naturang okasyon na kung saan ay pinangunahan ito ni Rev. Father Merlin Las Piñas.
Kasunod ng nasabing misa ay isinagawa na rin ang ribbon cutting na kung saan ay pinangunahan ito ng mga nasabing may-ari at ng kanilang bisita na si Mayor Roderick “Dondon” Alcala bilang hudyat ng pagbubukas ng nabanggit na rice mill.
Natuwa at namangha rin si Mayor Dondon Alcala dahilan sa mga makabagong kagamitan sa rice mill na ito.
Ang pagtatayo ng bagong business establishment na ito ay isang patunay lamang na marami nang mga negosyante ang nagnanais maglagak ng kanilang negosyo sa Lucena.
Patunay rin ito na marami na rin ang nagtitiwala sa magandang pamamalakad ni Mayor Dondon Alcala kung kaya patuloy na umuunlad ang lungsod ng Bagong Lucena. (PIO Lucena/ R. Lim)
No comments