LUNGSOD NG ANTIPOLO -- Binigyang-pugay kamakailan ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo ...
LUNGSOD NG ANTIPOLO -- Binigyang-pugay kamakailan ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo sa 2nd Lingkod-Maralita Gawad Parangal kaugnay sa pagdiriwang ng Urban Poor Solidarity Week Celebration ng buong Luzon noong nakaraang Disyembre 7, 2016 sa Eurotel, Quezon City. Tinanggap ng pamahalaang lokal ang parangal mula sa ipinakita nitong malasakit at kalinga sa mga komunidad na kabilang sa urban poor sa pamamagitan ng mga programang pabahay, palupa, serbisyong medikal, edukasyon, trabaho, at oportunidad. Ayon kay Antipolo City Mayor Jun Ynares, magsisilbing isang magandang simbolo ng pag-asa at inspirasyon ang parangal na ito upang mas pag-igihan ng pamahalaang lungsod ang pagpaplano, pagsasagawa, at pagsasakatuparan ng mga programang mag-aangat sa kahirapan ng mga mamamayan. Katuwang ang City Planning and Development Office, kinilala ang pamahalaang lokal bilang Natatanging Lingkod Maralita dahil sa masidhi nitong pagsuporta sa mga mandato ng PCUP, pagsunod sa Urban Development and Housing Act (Philippines), pagkakaroon ng aktibong opisina na Urban Settlement and Development Office (USDO), masigasig na pag-iimplementa ng mga programang makikinabang ang mga maralita, at paglalaan ng badyet o pondo para itaguyod ang mga aktibidad ng urban poor. Nag-iisang lungsod ang Antipolo sa buong Luzon na ginawaran ng parangal ng PCUP kasama ang dalawang munisipalidad ng Masbate at Naga at ang probinsya ng Laguna. Umabot na sa mahigit 4,000 pamilya sa lungsod ang naging benepisyaryo ng programang palupa mula taong 2013 dahil sa patuloy na pagtutok ng pamahalaang lokal sa seguridad ng maralitang residente ng Antipolo na nagnanais magkaroon ng sarili at ligal na matitirhan. (F.M. Javier, Antipolo PIO/ PIA-Rizal) - See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/2261484022209/tagalog-news-antipolo-city-kinilala-sa-natatanging-lingkod-maralita-2016#sthash.MBnvMKrn.dpuf



No comments