Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mga lolo at lolang nagdiwang ng kanilang kaarawan noong Disyembre, niregaluhan ni Mayor Dondon Alcala

Bagamat nakalipas na ang araw ng Kapaskuhan at ng Bagong Taon, hindi pa rin nahuli sa pagbibigay ng regalo para sa ilang mga lolo at lola n...

Bagamat nakalipas na ang araw ng Kapaskuhan at ng Bagong Taon, hindi pa rin nahuli sa pagbibigay ng regalo para sa ilang mga lolo at lola ng lungsod si Mayor Roderick “Dondon” Alcala.
Tinatayang aabot sa mahigit na 1,300 mga senior citizens na mula sa iba’t-ibang barangay sa Lucena at nangdiwang ng kanilang kaarawan noong buwan ng Disyembre ang pinagkalooban ng regalong ito ng alkalde kamakailan.
Ginanap ang pamamahaging ito sa Reception and Action Center o RAC sa bahagi ng Zaballero Subd. sa Brgy. Gulang-Gulang.
Sa naging pananalita ni Mayor Dondon Alcala, pabirong binati nito ang lahat ng mga nagsipagdiwang na aniya ay bagamat nakalipas na ay abot pa rin.
Tiniyak rin ng punong lungsod na mas pagagandahin pa ng pamahalaang panlungsod ang mga programa at proyekto para sa nasabing sector dahil isa ito sa may pinakamalaking pondo para sa ngayong taon.
Ipinaliwanang rin ni Mayor Alcala ang ilang mga pagbabago sa pagbibigay ng birthday cash gift na aniya batay sa ordinansa ng Sangguniang Panlungsod, tanging mga rehistradong botante at lehitimong Lucenahin lamang ang maaring makatanggap ng benipisyong ito.
Ang mga pagbabagong ito sa pamamahagi ng regalo tuwing kaarawan ng mga nakakatandang sector ng Lucena ay upang maibigay lamang sa mga ito ang nararapat na benipisyo para sa kanila at hindi mapunta sa ibang mga dumadayo lamang sa lungsod.
At dahilan sa mga magagandang programang ito ni Mayor Dondon Alcala para sa mga senior citizens, marami nang mga lolo at lola na mula sa ibang bayan ang nagnanais na tumira at mamalagi dito at ma-avail rin ang mga benipisyong ito.
Isa lamang ang sector ng mga senior citizens sa Lucena sa mga pangunahing pinagtutuunan ng pansin ni Mayor Dondon Alcala dahilan sa nais nitong bigyan ng tamang pagpapahalaga at paggalang ang mga lolo at lolang Lucenahin na sa matagal na panahon ay ngayon lang nararamdaman ang tunay na pagkalinga ng isang tunay na ama ng lungsod. (PIO Lucena/ R. Lim)
Murang pabahay para sa sector ng tricycle, binabalak ng pamahalaang panlungsod
Sa pagnanais na mabigyan rin ng maayos at magandang tahanan ang mga sector ng tricycle sa lungsod, binabalak ngayon ng pamahalaang panlungsod na pagkalooban rin ang mga ito ng murang pabahay.
Ito ang isang magandang balita na inihayag ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa pinuntahan nitong Christmas party ng nasabing sector kamakailan.
Ang pinaplanong murang pabahay na ito ay kahalintulad rin ng proyekto ng city government para sa mga Job Order employees ng pamahalaang panlungsod at miyembro ng JODA.
Ayon kay Mayor Dondon Alcala, sa ngayon ay naghahanap na sila ng lugar sa parte ng Brgy. Bocohan na pagtatayuan nito.
At sakali aniyang magkaayos ang pag-uusap ng pamahalaang panlungsod at ng may-ari ng lupang ito ay ilalaan ito ng city government para sa TODA sa Lucena.
Dagdag pa rin ng punong lungsod, malapit sa kaniyang puso ang mga magtri-tricycle kung kaya naman hindi niya maaring pabayaan ang sector na nabanggit.
Ang binabalak na programang ito ng pamahalaang panlungsod ay bilang pagpapakita ng pagsuporta sa lahat ng mga tricycle drivers at operators sa Lucena at mabigyan ng maayos na matitirahan ang mga ito.
Sa ngayon pa lamang ay lubos nang nagpapasalamat ang lahat ng mga miyembro ng TODA sa Lucena kay Mayor Dondon Alcala sa balak na programa niyang ito para sa kanilang hanay gayundin sa pagbibigay sa kanila ng tunay na pagpapahalaga at pansin sa na sa unang pagkakataon ay kanilang naramdaman sa tunay na naglilingkod sa lungsod.
Mayor Dondon Alcala dumalo sa post Christmas party ng mga miyembro ng Koopnaman
Dumalo bilang panauhing pandangal sa isinagawang post Christmas Party para sa mga miyembro ng Koopnaman Multi-Purpose Cooperative si Mayor Roderick “Dondon” Alcala kamakailan.
Ginanap ang naturang aktibidad sa Queen Margarette Hotel sa bahagi ng Brgy. Domoit na kung saan dumalo rin dito ang mga opisyales ng nasabing kooperatiba na pinangunahan ng kanilang CEO na si Isabel Bico.
Tinatayang aabot sa mahigit na 300 ang mga miyembro ng Koopnaman MPC na nagmula sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan ng Quezon.
Sa naging pananalita ni Gng. Bico, pinasalamatan nito si Mayor Alcala sa walang sawang pagsuorta nito sa kanilang kooperatiba.
Gayundin sinabi rin nito na sa lahat ng kanilang hiniling sa alkalde ay hindi pa sila napahindian nito kung kaya naman maituturing aniya nila itong isang malaking utang na loob.
Ayon naman kay Mayor Dondon Alcala, isa ang Koopnaman MPC sa mga pinakalamakas na kooperatiba sa lungsod ng Lucena kung kaya naman binate niya ang lahat ng mga opisyales nito.
Dagdag pa ng punong lungsod, hiningi rin niya ang payo ng mga opisyales ng nito hinggil sa pagpapatakbo sa Public Market ng Lucena dahilan sa aniya ay dito magaling at eksperto ang mga ito
Isa ang Koopnaman Multi-Purpose Cooperative sa mga kooperatibang sumusuporta sa mga programa at proyekto ng pamahalaang panlungsod kung kaya naman bilang ganti sa mga ito ay patuloy at buo ring sinusuportahan ni Mayor Dondon Alcala ang mga ito. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Block 9 Lot 18, Silver Creek Subdivision, Alpine Rd, Barangay Bocohan, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.