Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mayor Dondon Alcala nagbigay hamon sa lahat ng department heads ng city government

Mayor Roderick “Dondon” Alcala (Photo from PIO Lucena FB account) “Ang challenge ko po sa inyo, ay magsumite ng day-to-day activity ng ...

Mayor Roderick “Dondon” Alcala
(Photo from PIO Lucena FB account)
“Ang challenge ko po sa inyo, ay magsumite ng day-to-day activity ng lahat ng empleyado ng inyong opisina”.

Ito ang inihayag na hamon ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa lahat ng mga department heads ng city government kamakailan.
Ayon kay Mayor Dondon Alcala, ilang araw rin niyang kinausap ang mga ito ay hinihingian ng kanilang duties, function, vision at mga aktibidad ng kanilang opisina para sa taong 2017.
Dagdag pa rin ng punong lungsod, tapos na rin aniya ang tinatawag na 15-30, at bagkus ay kinakailangang ang lahat ng empleyado ng pamahalaang panlungsod ay nagtratrabaho para sa mga mamamayan ng Lucena.
Ang 15-30 na tinutukoy ng alkalde ay ang ginagawa ng ilang empleyado na kung saan ay nagtratrabaho at nakikita lamang ito tuwing araw ng sweldo.
Una nang pinasalamatan ni Mayor Alcala ang OIC City Health Officer na si Dra. Joy Chua sapagkat isa ito sa mga nakapagsumite ng kaniyang hinihinging requirements na ito para sa lahat ng department heads.
Humingi rin ng paumanhin ang punong lungsod sa mga ito at pinayuhan na huwag magagalit at bagkus ay gawin ito dahilan sila ang mas nakaaalam na gawin para sa kanilang mga tauhan.
Kinakailangan aniya na bilang taong gobyerno ay tulungan ng mga ito ang lahat ng mamamayan ng 

Lucena kung papaano mapapadali ang serbisyo ng pamahalaang panlungsod para sa mga ito.
Ang hamong ito ni Mayor Dondon Alcala sa lahat ng mga namumuno sa iba’t-ibang departmento ng pamahalaang panlungsod ay upang mas mapaganda at mapadali pa ang pagbibigay ng serbisyo sa lahat ng mga Lucenahin. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.