Upang personal na makaharap ang punong lungsod ng Lucena, personal na bumisita ang bagong talagang principal ng Quezon National High School...
Upang personal na makaharap ang punong lungsod ng Lucena, personal na bumisita ang bagong talagang principal ng Quezon National High School sa tanggapan nito kamakailan.
Ang nasabing bagong principal na ito ay si Dr. Feliza Quevada na kung saan nakasama rin nito ang ilan pang mga guro mula sa nasabing paaralan.
Si Dra. Feliza Quevada ay tubong Lucenahin at nadistino sa Alabat Island National High School sa Alabat, Quezon bago italaga ditto sa lungsod ng Lucena.
Ginawa ng opisyal na ito ang pagbisita kay Mayor Roderick “Dondon” Alcala upang iparating dito na nakahanda ang pamunuaan ng kanilang paaralan na sumuporta sa lahat ng mga programa at proyekto nito.
Ginawa ng opisyal na ito ang pagbisita kay Mayor Roderick “Dondon” Alcala upang iparating dito na nakahanda ang pamunuaan ng kanilang paaralan na sumuporta sa lahat ng mga programa at proyekto nito.
Ikinatuwa naman ng alkalde ang pahayag na ito ng principal at bilang pasasalamat nito ay kaniya ring inihayag ang buong pagsuporta nito sa lahat rin ng kanilang mga proyekto at programa.
Dagdag pa ni Mayor Alcala, sakali aniyang may mga pangangailangan ang mga ito ay huwag mag-aatubiling lumapit sa kaniya at nakahanda naman niyang tulungan ang mga ito.
Dagdag pa ni Mayor Alcala, sakali aniyang may mga pangangailangan ang mga ito ay huwag mag-aatubiling lumapit sa kaniya at nakahanda naman niyang tulungan ang mga ito.
Samantala, humiling naman ang punong lungsod sa bagong talagang principal ng QNHS na kung maari ay buksan at gawing labasan ng mga estudyante dito ang nasa tagilirang gate ng naturang paaralan na nasa tapat ng Lourdes Church.
Ito ay upang mabasawan ang bigat ng trapiko sa kahabaan naman ng tapat ng Quezon High sa tuwing oras ng labasan ng mga mag-aaral dito at upang maiiwas sa anumang sakuna tulad ng pagkakabanggan ang mga kabataang tumatawid sa kalsada dito.
Ayon naman kay Quevada, sa ngayon ay mayroong problema ang gate na tinutukoy ng alkalde dahilan sa luma na ito ay nangangalawang na at nangangailangang ayusin muna bago pa ito buksan.
Malugod namang sinabi ni Mayor Dondon Alcala na handa niyang sagutin ang lahat ng mga kagastusan sa pagpapa-ayos dito basta dalhin lamang ang estimated amount nito sa kaniyang tanggapan.
Sa huli ay kapwa nagkasundo sina Dra. Quevada at Mayor Alcala sa magandang panukalang ito para na rin sa kapakanan ng mga mag-aaral ng QNHS.
Ang ganitong uri ng magandang ugnayan sa pagitan ng mga nasa sector ng edukasyon at ni Mayor Dondon Alcala ay pagpapatunay lamang na kapwa may malasakit ang dalawang opisyal sa kapakanan ng mga mag-aaral na Lucenahin. (PIO Lucena/ R. Lim)
No comments