Muli na namang nagninong sa tinatayang mahigit na 70 mga kabataan si Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa isinagawang Binyagang Bayan kamakail...
Muli na namang nagninong sa tinatayang mahigit na 70 mga kabataan si Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa isinagawang Binyagang Bayan kamakailan.
Ginanap ang nasabing aktibidad sa San Raphael Arkanghel Parish Church sa bahagi ng Brgy. Dalahican.
Nagmula ang mga bininyagang mga kabataan sa Brgy. Mayao Crossing na kung saan ay nagdiwang ang mga residente dito ng kanilang kapistahan.
Ngunit bago pa dumalo sa naturang okasyon si Mayor Dondon Alcala ay dumalo muna ito sa isang misa na kung saan nakasama naman niya dito si Councilor Vic Paulo, dating executive assistant III Rogelio “Kuya Totoy” Traqueña at Brgy. Chairman Alberto Ranas.
Matapos nang misa ay agad na nagtungo ang mga nabanggit na personalidad sa simbahan upang dumalo ng misa ng pagbibinyag.
At matapos nito ay nagkaroon rin ng pagkakataon ang mga nabinyagang kabataan maging ang kanilang mga magulang at mga ninong at ninang na makapapakuha ng litrato kasama ang alkalde bilang remembrance ng mga ito.
Malugod naman pinaunlakan ito ng alkalde kasama sina Councilor Paulo at Kuya Totoy Traqueña.
Lubos namang nagpasalamat ang mga magulang ng mga kabataang bininyagan sa programang ito ni Mayor Dondon Alcala na anila ay malaki ang naitutulong sa kanila na hindi mapabinyagan ang kanilang mga anak dahil sa problemang pinansyal.
Lubos namang nagpasalamat ang mga magulang ng mga kabataang bininyagan sa programang ito ni Mayor Dondon Alcala na anila ay malaki ang naitutulong sa kanila na hindi mapabinyagan ang kanilang mga anak dahil sa problemang pinansyal.
Isa lamang ang programang Binyagang Bayan sa mga proyekto ni mayor DOndon Alcala na libreng ibinibigay sa mga Lucenahin bukod pa rin ang Kasalang Bayan dahil sa isa sa mga ninanais nito ay ang magkaroon ang mga ito ng takot at mapalapit sa Diyos ang lahat ng mga Lucenahin. (PIO Lucena/ R. Lim)
No comments