Flash News
Mail Instagram YouTube YouTube
CALABARZON

P47M pondo para sa disaster operation, aprubado

by Ruel M. Orinday

LUCENA CITY, Quezon (PIA) - Inaprubahan kamakailan ng Lucena City Disaster Risk Reduction and Management Council (LCDRRMC) ang pondo o budget para sa disaster operation sa Lungsod ng Lucena na nagkakahalaga ng P 47M para sa taong 2017.

Ang pag-apruba sa nasabing pondo ay ginawa sa idinaos na pagpupulong ng nasabing konseho sa lungsod ng Lucena na dinaluhan din ng chairman na si Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala na siyang nanguna sa pag-apruba ng pondo na sinang-ayunan naman ng ibang miyembro.

Sa budget na P47M, 70 porsyento ay ilalaan sa disaster operations at ang 30 porsyento naman ay para sa quick response operations.

Layunin ng pag-aapruba ng pondo na maging maayos, mabilis at epektibo ang operasyon ng Lucena City Disaster Risk Reduction Management Council bago pa man sumapit at maging sa oras ng kalamidad.

Kabilang sa mga miyembro ng konseho na sumang-ayon sa pag-apruba ng pondo ay ang City Budget Office, Accounting Office, CSWDO, Agriculture, Pacific Mall Lucena, Quezon Metropolitan Water District, Emergency Response Team, Bureau of Fire Protection, Philippine National Police at iba pang miyembro ng LCDRRMC. (GG/Ruel Orinday, PIA-Quezon may ulat mula sa Lucena City PIO)

0 comments:

Post a Comment


Loading...