Flash News
Mail Instagram YouTube YouTube
CALABARZON

Programang pangkabuhayan handog sa drug surrenderees ng Cavinti

by Alan C. Ortillano

CALAMBA CITY (PIA) – Pinangunahan kamakailan ng lokal na pamahalaan ng Cavinti ang pagbibigay ng pagkakakitaang pangkabuhayan para sa mga dating nagbebenta at nalulong sa iligal na droga.

Sa pakikiisa ng pamunuan ng 19 na barangay ng bayang ito, matagumpay na naisagawa ang pagkakaloob sa may 148 surrenderees ng ‘Cash-for Work” kung saan magtatanim ang mga ito ng iba’t ibang uri ng gulay at prutas kapalit ng may karampatang suweldo. Nagbigay din ang lokal na pamahalaan ng pagsasanay sa ilalim ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) kung saan may nakalaan na trabaho para sa mga ito sa mga kompanya na kabalikat ng pamahalaang lokal.

“Minarapat lang ng pamahalaang lokal na bigyan ng pagkakakitaan ang mga surenderees upang ang mga ito ay hndi na bumalik sa dating gawain at bisyo,” wika ni Punong Bayan Milbert Oliveros. (GG/ACO, PIA Laguna)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/641485503739/programang-pangkabuhayan-handog-sa-drug-surrenderees-ng-cavinti#sthash.uGyA3dWY.dpuf

0 comments:

Post a Comment


Loading...