Flash News
Mail Instagram YouTube YouTube
CALABARZON

1,500 na senior citizen, tumanggap ng pension mula sa DSWD

LUCENA CITY, Quezon (PIA) Mahigit sa 1,500 na senior citizens mula sa iba’t-ibang barangay ang tumanggap ng kanilang pension mula sa Department of Social Welfare and Development.

Idinaos ang pamamahagi sa Reception and Action Center sa bahagi ng Zaballero Subdivision, Brgy. Gulang-Gulang sa lungsod na ito.

Ang pension na tinanggap ng mga senior citizen na P1,500 bawat isa ay para sa buwan ng Enero hanggang Marso ng taong kasalukuyan.

Sinaksihan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang pamamahagi ng pension na pinamahalaan ng mga kawani ng DSWD. Dumalo rin sa naturang aktibidad ang pinuno ng City Social Welfare and Development Office na si Lourdes Maralit at iba pang tauhan ng nasabing ahensya.

Samantala, lubos ang ginawang pasasalamat ng mga senior citizen sa programang ito ng nasyunal na pamahalaan.

Anila malaki ang maitutulong ng pensiyon sa kanilang pang-araw araw na gastusin.

Samantala, patuloy naman ang pamahalaang panlungsod sa pag-iisip ng iba pang mga programa para sa mga senior citizen ng lungsod upang mas maging maginhawa pa ang buhay ng mga ito. (GG/R. Orinday, PIA-QUEZON may ulat mula sa PIO-Lucena)

0 comments:

Post a Comment


Loading...