Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Lucena City nalalapit nang maging Mega City ayon kay Mayor Dondon Alcala

By PIO Lucena/ R. Lim LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- “Dahilan sa patuloy na pag-unlad ng lungsod, hindi na nalalayong matawag itong isang...

By PIO Lucena/ R. Lim

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- “Dahilan sa patuloy na pag-unlad ng lungsod, hindi na nalalayong matawag itong isang Mega City”.

Ito ang naging pahayag ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala hinggil sa mga pag-unlad na nagaganap sa lungsod.

Sa ngayon ay maituturing aniya na ang Lucena ay isang highly urbanized city ngunit sa pagdating ng mga proyekto dito ay nalalapit na itong maituring na isang Mega City.

Ilan aniya sa mga patunay ng pag-unlad ng Lucena ay ang pagluwag ng mga kalsada dahilan sa road widening, ang isinagawang ground breaking ceremony ng itatayong underpass sa bahagi ng Brgy. Gulang-Gulang, gayundin ang itinayong bagong palengke ng lungsod, at ang nalalapit na pagbubukas ng bagong city hall na nasa bahagi naman ng Brgy. Kanlurang Mayao.

Dagdag pa ni Mayor Alcala, marami ring mga negosyo ang itatayo sa bahagi ng diversion road tulad ng isang bagong mall, mga hotel, at iba pa na isang hudyat na patuloy sa pag-unlad ang Lucena.

Maging aniya sa kabayanan ng Lucena ay patuloy rin ang pagsulputan ng iba’t-ibang uri ng business establishment tulad ng mga bangko, kainan at marami pang iba.

Bukod pa rin ditto ang hinihintay na pagtatayo ng kauna-unahang Agro-Industrial Park sa Lucena at sa lalawigan ng Quezon na ang kulang na lamang aniya ay ang approval na magmumula sa PEZA.

Ang pagdagsa ng mga infrastructure project ngayon sa Lucena ay dahilan na rin sa tulong ni Congressman Vicente “Kulit” Alcala sa pagnanais rin nito na mas umunlad pa ang syudad.

Habang ang pagtatayo naman ng mga bagong negosyo ay dahilan sa pagtitiwala ng mga negosyante sa magandaat maayos na pamamalakad ni Mayor Alcala sa lungsod.

At dahil sa mga kaganapang ito, lubos naman na nagagalak si Mayor Dondon Alcala sa mabilis na pag-unlad ng Bagong Lucena na aniya ay ngayon lamang nangyari sa loob ng matagal nang panahon. 

No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon