PINANGUNAHAN nina Mayor Dondon Alcala kasama si Ms. Shamcey Supsup, Bb. Pilipinas-Universe 2011, City Administrator Mitzi A.Co , Hermano...
![]() |
PINANGUNAHAN nina Mayor Dondon Alcala kasama si Ms. Shamcey Supsup, Bb. Pilipinas-Universe 2011, City Administrator Mitzi A.Co, Hermano Mayor Adrian Eleazar, Committee Chairman Armhand Remojo, Quezon designers Club at mga piling modelo sa isinagawang Flores De Mayo 2017. (Photo from Arnel Avila) |
At dahil dito, inumpisahan na ang paglalakad ng mga naggagandahang dilag mula sa iba’t-ibang barangay sa lungsod, suot ang mga naggagandahang mga gown na gawa ng ilang mga fashion designer mula sa Lucena.Dumalo rin dito bilang panauhing pandangal si Mayor Roderick “Dondon” Alcala na kung saan ay nakasama niya ang bisitang artista na si 2011 Miss Universe 3rd runner up Shamcey Supsup at Troy Montero.Present rin dito ang Hermano Mayor na si Adrian Eleazar, ang overall chairman ng Pasayahan sa Lucena at City Administrator Mary Mitzi Co, ang chairman ng Flores De Mayo na si Armhand Remojo at si Badjao Girl Rita Gaviola.
Nagsimula ang naturang aktibidad sa Pacific Mall-Lucena at binagtas ang kahabaan ng M.L. Tagarao Street at kumaliwa patungo ng Quezon Avernue hanggang makarating ng STI Gymnasium.Pagdating sa nabanggit na lugar, isa-isang inirampa ng 25 mga modelo dito ang naggagandahang mga gown na gawa ng ilang mga fashion designer.Matapos nito ay nagbigay naman ng pananalita si Mayor Dondon Alcala na kung saan ay binati nito ang over-all chairman ng Pasayahan na si City Administrator Co sa matagumpay na launching ng nasabing selebrasyon.
Gayundin kaniyang ring ipinarating ang pasasalamat kina Adrian Eleazar at Engr. Cely Flancia, na siya namang Hermana Mayor, sa pagtulong ng mga ito para sa Pasayahan sa Lucena 2017.
Bukod dito, tiniyak rin ng alkalde na palagian niyang nakasuporta sa mga nasabing patimpalak na kung saan ay nakikita nito na mas dumarami pa ang sumasali sa flores de mayo ng lungsod.Naging judges naman sa Cristina Seguit Flancia, Nenita Eleazar, Sir Edwin Uy, Roselie Santiago at Gareth Blaco.Ang pagsasagawa ng Flores De Mayo ay bilang bahagi na rin ng Pasayahan sa Lucena na kung saan ay pagbibigay rin ito ng halaga sa inang Birhen na Maria. (PIO Lucena/ R. Lim)
No comments