Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mga Miyembro ng Alpha Phi Omega Club 1925, nakiisa sa Brigada Eskwela

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Nakiisa ang ilang mga miyembro ng Alpha Phi Omega (APO) Club 1925 sa isinagawang taunang proyekto ng Department...

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Nakiisa ang ilang mga miyembro ng Alpha Phi Omega (APO) Club 1925 sa isinagawang taunang proyekto ng Department of Education (DepEd) na Brigada Eskwela sa Calumpang Elementry School sa Tayabas City kamakailan.

Pinangunahan ng kasalukuyang president ng nasabing grupo na si Rod Calayan ang pakikipagtulungan sa pamunuan ng naturang eskwelahan na pinamumunuan ng principal nito na si Ma. Lina Ayangco.

Nagtulong-tulong din ang ilang mga kinatawan mula sa City Savings Bank, ilang mga sundalo mula sa Southern Luzon Command (SOLCOMM), mga magulang, guro at alumni ng nasabing paaralan para sa naturang proyekto.

Nagbigay din ng ilang mga materyales para sa pagpipintura ng ilang bahagi ng Calumpang Elmentary School ang nasabing bangko. Ang naturang aktibidad ay nagsimula noong ika-15 ng Mayo at magtatagal hanggang ika-20 taong kasalukuyan.

Layon ng pagsasagawa ng particular na aktibidad na ito ang mahikayat ang mga civic groups, kumpanya, at mga volunteers na makiisa sa mga eskwelahan na kanilang napili upang nang sa gayon ay makatulong sa pagsasa-ayos ng mga pasilidad nito bago ang muling pagbabalik paaralan ng mga estudyante.

Samantala, buong puso naman ang pasasalamat ni Ayangco, ang principal ng naturang eskwelahan sa mga nagpaabot ng kanilang tulong sa pagsasagawa ng Brigada Eskwela sa kanilang paaralan. Sa naging panayam ng TV12 sa nasabing principal, sa kasalukyan ay mayroong kabuoang bilang na mahigit 800 mga estudyante ang nag-aaral sa nasabing eskwelahan. (PIO Lucena/J. Escuterio)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.