Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Ground Breaking Ceremony para sa Barra Clean Water and Sanitation Project, dinaluhan ni Mayor Dondon Alcala

Ground Breaking Ceremony para sa Barra Clean Water and Sanitation Project, dinaluhan ni Mayor Dondon Alcala Kaugnay ng proyektong tina...

Ground Breaking Ceremony para sa Barra Clean Water and Sanitation Project, dinaluhan ni Mayor Dondon Alcala
Kaugnay ng proyektong tinatawag na ‘Barra Clean Water Supply Project’ ng Rotaray Club of Melbourne Australia katuwang ang iba’t-ibang institusyon sa lungsod at ibang lugar kagaya ng Congregasyon ng Daughters of Charity of Sacred Heart College, ang local na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala at ang GHD Philippines sa pamumuno ni Paul Hansford ay promal ng isinagawa ang ground breaking ceremony ng nasabing proyekto kamakailan.
Layon ng naturang proyekto na makapagbigay ng malinis na tubig na magagamit ng tinatayang aabot sa 4,000 residente ng nasabing barangay upang mailayo sa mga sakit na dulot ng maduming tubig.
Kung matatandaan, bumisita sa tanggapan ng alkalde ang ilang mga kinatawan ng nasabing grupo noong nakaraang buwan upang talakayin ang mga usapin patungkol sa particular na proyektong ito gayundin ang magbigay kurtesiya sa kaniya.
Kung kaya personal ding dinaluhan ni Mayor Dondon Alcala ang naturang aktibidad upang maipakita ang kaniyang pagsuporta at maipaabot ang kaniyang pasasalamat sa mga nasabing grupo na nagtulong-tulong na mabigyan ng malinis na tubig ang ilang mga residente ng Brgy. Barra.
Sa naging pananalita ng punong lungsod, lubos siyang nagpapasalamat sa presidente ng Daughters of Charity dito na si Sr. Josefina Quiachon sa pagtitiwalang kanilang ibinigay upang ipagamit ang lupang kanilang pagmamay-ari.
Aniya sa loob ng dalawa at kalahating taon isasagawa ang pagpapatubig bunsod ng inisyatibo ng Rotary Club International at Rotary Club Central at nang banggitin at ibigay sa kaniya ang listahan ng magiging tulong ng Pamahalaang Panlungsod ay agad niyang ibinigay ang mga ito.
Ito nga ay ang mga materyales na kailangan para sa tinatawag na water pipe laying.
Dagdag pa ng alkalde, ilang panahon na lamang ay magkakaroon na ng mapagkukunan ng sariling potable water ang mga residente ng naturang barangay at hindi na kailangan pang bumili sa Cotta o sa bayan man.
Tanging habilin lamang ni Mayor Alcala sa mga makikinabang sa patubig na to ay alagaan ng maayos ang malaking tulong na ipinagkaloob ng mga nasabing grupo sa kanila. (PIO Lucena/ J. Escuterio)

No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon