Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Induction ng Club 1925 Alpha Phi Omega, dinaluhan ni Mayor Dondon Alcala

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Dumalo bilang panauhing pandangal sa isinagawang panunumpa ng mga bagong opisyales ng Club 1925 ng Alpha Phi Om...

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Dumalo bilang panauhing pandangal sa isinagawang panunumpa ng mga bagong opisyales ng Club 1925 ng Alpha Phi Omega si Mayor Roderick “Dondon” Alcala kamakailan.

Ginanap ang naturang okasyon na ito sa Queen Margarette Downtown na kung saan ay dinaluhan ito ng mga miyembro at past president ng nasabing samahan.

Sa naging pananalita ni Mayor Dondon Alcala, binati nito ang bagong pangulo ng Club 1925 na si Rodrigo Calayan gayundin ang past president na si Czloen Abaricia.

Ayon kay Mayor Alcala, hindi na rin aniya naiiba siya sa nasabing grupo dahilan sa ang kapatid nito ay isa rin sa kanilang miyembro at ang ilan sa mga hepe ng iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaang panlungsod ay kasali rin sa kapatirang nabanggit.

Ilan sa mga kilalang miyembro ng Club 1925 na naging dating pangulo at ngayon ay naglilingko d sa city government ay sina Executive Assistant II ng alkalde na si Arnel Avila, City Engineer Rhodencio “Ronnie” Tolentino, ang head ng Lucena City Culture and the Arts at Clean and Green Team Arween Flores.

Inihayag rin ng punong lungsod ang kaniyang buong pagsuporta sa lahat ng mga programa at proyekto ng mga ito at aniya sakaling mangailangan ang mga ito ng tulong ay huwag magatubiling sabihin ito sa kaniya at nakahanda naman siyang tumulong para sa nasabing samahalan.At bilang pasasalamat rin ng mga miyembro ng Club 1925 kay Mayor Alcala, pormal na nilang ginawa itong honorary member ng kanilang samahan na siya namang malugod na tinaggap ng pnong lungsod.

Ang pagdalong ito ni Mayor Dondon Alcala sa mga ganitong uri ng induction ng mga samahan o grupo ay bilang pagpapakita niya ng kanilang pagpapahalaga sa lahat ng samahan sa lungsod.Ang Club 1925 ay isang samahan ngmga miyembro o kasapi ng isang kapatiran na Alpha Phi Omega na ang mga kasali dito ay pawang mga professionals sa iba’t-ibang larangan. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon