Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Seminar patungkol sa pagsugpo sa mga professional squatters at squatting syndicates, isinagawa sa lungsod

LUCENA CITY- (JUNE 20, 2017) Upang maiwasan at masugpo ang mga tinatawag na professional squatters at squatting syndicates sa lungsod ay na...

LUCENA CITY- (JUNE 20, 2017) Upang maiwasan at masugpo ang mga tinatawag na professional squatters at squatting syndicates sa lungsod ay nakipag-ugnayan ang local na pamahalaan sa pangunguna ng tanggapan ng Urban Poor Afairs Division (UPAD) na pinamumunuan ni Lerma Fajarda sa ilang mga nasyunal na ahensiya kaugnay ng nabanggit na usapin.

Kaugnay nito, isinagawa ang isang seminar na laban sa naturang sector at nabanggit na sindikato noong ika-20 ng Hunyo taong kasalukuyan sa Queen Margarette Hotel sa bahagi ng Brgy. Domoit.
Binubuo ng 11 nasyunal na ahensiya ang NDAPSS o National Drive Against Professional Squatters and Squatting Syndicates na kinabibilangan ng HUDCC, PNP o Philippine National Police, LRA o Land Registrationg Authority, Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP), National Bureau of Investigation (NBI), Department of Interior and Local Government (DILG), OSG o Office of the Solicitor General, Public Attorney’s Office (PAO), Department of Environment and Natural Resources (DENR), DoJ o Department of Justice at ang NAPC o National Anti-Poverty Commission.
Personal namang dumalo si Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala sa naturang aktibidad kasama si Fajarda at ang ilang mga panauhin mula sa national government agencies na naging katuwang ng Housing and 

Urban Development Coordinating Council.
Isa si Winston Morella na kinatawan ng PCUP sa mga dumalo sa naturang aktibidad kasama sina Atty. Angelito Aguila ang Director II ng Legal Anti-Squatting and External Affairs Group, Atty. Gilbert Gordove ang tumatayong Legal Consultant ng naturang grupo, Atty. Marilou Alutaya ang Chief ng Legal Division, manager ng One-Stop Shop at kinatawan ng Land Registration Authority na si Engr. Emilio Pugungan at sina PSupt. Noel Albay na siyang hepe ng pulisya na naka-assign laban sa mga professional squatters at squatting syndicates kasama si SPO3 Frederick Millora.
Dumalo din sa seminar na ito ang mga kapitan ng bawat barangay sa lungsod, mga konsehales at ilang mga hepe ng tanggapan ng local na pamahalaan.
Tinalakay sa nasabing dayalogo ang ilan sa mga impormasyon at prosesong kinakailangang gawin ng mga opisyales at mga empleyado ng Pamahalaang Panlungsod sa pagsasa-ayos ng urban poor at pagsugpo ng mga tinatawag na squatters at squatting syndicates.
Dagdag sa naging paksa ng pagpupulong ang Republic Act No. 7279 na may titulong ‘ An Act to Provide for a Comprehensive and Continuing Urban Development and Housing Program, Establish the Mechanism for its Implementation and for other Purposes’.
Samantala, nagpasalamat naman si Atty. Aguila sa City Government ng Lucena sa pagbibigay sa kanila ng oportunidad upang maibahagi ang kanilang kaalaman at impormasyon sa mga iligal na ginagawa na nasabing sindikato.
Aniya, bukod sa kanilang naisin na makatulong sa mga local government units ay maituturing na isang pribilehiyo para sa kanilang grupo ang makapagbigay ng kanilang kaalaman patungkol sa naturang usapin. (PIO Lucena/ J. Escuterio)

No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon