Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mga Kapitan ng barangay ikinatuwa ang pagdalo sa isinagawang seminar ng isang nasyunal na ahensiya

LUCENA CITY – (June 21, 2017) Kaugnay ng isinagawang seminar ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) patungkol sa pag...

LUCENA CITY – (June 21, 2017) Kaugnay ng isinagawang seminar ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) patungkol sa pag-sugpo ng mga squatters at squatting syndicates sa lungsod kamakailan ay naging positibo ang naging resulta at naging matagumpay ang naturang aktibidad.

Nagsilbi bilang pangunahing tanggapan ang Urban Poor Affairs Division (UPAD) na kasalukuyang pinamumunuan ni Lerma Fajarda na naging katuwang ng HUDCC upang isakatuparan ang nasabing seminar dito.
Ayon kay Fajarda, naging maganda at matagumpay ang particular na dayalogong ito at ikinatuwa pa ng mga kapitan ng barangay dahil aniya sa unang pagkakataon ay nabigyang sila ng impormasyong makatutulong kung papaano maisasaayos ang kanilang komunidad.
Ilan nga dito ay ang mga hakbang na kanilang kinakailangang gawin sakaling mayroong mga professional squatters at squatting syndicates na makararating sa kanilang lugar.
Ito ang naging pahayag ng kasalukuyang Officer-In-Charge ng UPAD na si Fajarda sa isinagawang kauna-unahang pagpupulong ng Local Committee Against Squatting Syndicates and Professional Squatters (LCASPSS).
Ang pagkakabuo sa naturang komite ay bilang pakikiisa ng local na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala sa layunin ng nasyunal na ahensiya na waksian ang paglaganap ng naturang sector at sindikato sa lungsod. (PIO Lucena/ J. Escuterio)

No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon