Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

1ST Quezon Ready Reserve Infantry Battalion Change Of Command Ceremony

By Boots R. Gonzales Pormal nang nailipat ni outgoing Capt Edgardo T Ardiente kay Major Ronaldo C Bulfa ang pamamahala ng ...

By Boots R. Gonzales

Pormal nang nailipat ni outgoing Capt Edgardo T Ardiente kay Major Ronaldo C Bulfa ang pamamahala ng pagigin g Battalion Commander ng 1st RRBn noong June 19, 2017. Ginanap ang turn over sa SOLCOM Grandstand , Camp Guillermo Nakar , Lungsod ng Lucena. Sinaksihan ito ng mga kamag anak , kaibigan at ibang mga matataas na opisyal ng local na pamahalaan . Ang nagging panauhin pang dangal at guest speaker ay walang iba kungdi ang SOLCOM Commander na si LtGen Ferdinand F Quidilla AFP.

Napag alaman natin na ang Reservist or 1st Qzn. RRBn ay nasa pangunguna ni Capt Edgardo T Ardiente ng humigit kumulang labing isang (11) taon at sa kauna-unahang pagkakataaon nagkaroon ng turn over dito sa sa lalawigan ng Quezon at ito ay sa pangunguna at masipag na bagong group commander na si LtCol Robert B Macandili at naging punong abala sa nasabing okasyon.

Naging emosyonal ang mensahe ng outgoing na si Capt Ardiente , anya nalulungkot siya sa paglisan sa kanyang puwesto , ngunit siya ay kailangan lumisan dahil ito ang patakaran at dapat sumunod sa atas ng nakakataas . ayon pa kay Ardiente , maraming bagay din siyang di malilimutan sa panahon ng kanyang serbisyo bilang commanding officer dito sa Quezon. Nagpasalamat siya sa kanyang mga kasamahan at ibinilin niya rin sa mga kasahan na kung ano man ang pakisama na ibinigay sa kanya na sana ganun din ang maging turing nila sa magiging bagong commanding officer na si Major Bulfa.

Sa mensahe naman ni Major Bulfa , malugod niyang tinatanngap ang iniatang sa kanya at tiwala ng mga mataas na opisyal . Nangako siya na kanyang pag bubutihin at gampanan ng maigi ang mga trabaho na naghihintay sa kanya bilang isang commanding officer ng nasabing samahan. Ganun din nagpapasalamat din siya sa kanyang pamilya sa pagsuporta sa kanya .

Ang mensahe naman ni LtGen Quidilla , natutuwa siya sa araw na iyun dahil nakita niya kung gaano ka seryoso ang mga miyembro ng reservist at pinakitang gilas habang nag mamartsa sa harapan ng mga matataas na opisyal. Dahil dito binati niya si LtCol Robert Macandili sa naging matagumpay ang nasabing okasyon. Anya binabati niya si Macandili dahil sa kasipagan nito at pagkaroon ng sistema sa kanyang mga ginagawa ganun din ang pamumuno sa kanyang mga kasamahan kung kaya itong okasyon ay naging matagumpay.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.