Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

30 herbalists sa Quezon, sumailalim sa Livelihood and Leadership Training

Atimonan, Quezon - Tatlumpong (30) herbalists mula sa Rural Improvement Club at Municipal Association of Herbal Agriculturists for Liveli...

Atimonan, Quezon - Tatlumpong (30) herbalists mula sa Rural Improvement Club at Municipal Association of Herbal Agriculturists for Livelihood (MAHAL) ng Atimonan, Quezon ang sumailalim sa isinagawang dalawang araw na pagsasanay ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor (OPA) ukol sa kalidad ng kabuhayan at epektibong pamumuno, sa suporta ni Gob. David “Jayjay” C. Suarez nitong nakaraang linggo sa Quezon Herbal Pavilion, Atimonan, Quezon.

Layunin nito na maisulong ang mainam na paggamit ng herbal endemic plants sa lalawigan sa pamamagitan ng iba’t-ibang programa ukol sa kabuhayan gaya ng massage ointments, teas at iba pa. Dagdag pa rito ang layunin ng pamahalaan na lubusang maunawaan ng mga ito ang wastong pamamahala sa kabuhayang ninanais na simulan, gayundin sa wastong pamumuno sa isang organisasyon.

Masusing tinalakay ng mga tagapagsanay ang mga paksa tungo sa epektibo at maunlad na kabuhayan, gaya ng health and wellness, basic reflexology and massage therapy, spiritual stability and values formation, gayundin ang wastong pamamahala sa pinansyal na estado ng kabuhayan at ang kanilang tungkulin bilang mahusay na tagapangasiwa nito.

Ayon kay Dr. Mairavic Oficial, CDA Health and Wellness Livelihood Consultant, isa sa mga tagpagsanay, kailangang may passion ang pagma-massage.

Ibinahagi rin dito ang mga flagship herbal products at ang produktong buah merah, kasabay ng pagkakaroon ng demonstration ukol sa reflexology, acupuncture at basic self-defense.

Nagsilbi ring tagapagsanay sina G. Alex Baguio, Massage Trainor, Ptr. Ramel H. Porto, mula sa Maharlika Baptist Church, G. Romeo Asunto, Livelihood and Co-founder ng Asian Mobile Wellness Service (AMWS) at G. Jamerdean Palac, isang Blackbelter at MMA Instructor. (OPA Info Unit / Quezon PIO)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.