Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

7 bayan sa Quezon, nagpapatupad ng programang “Salintubig”

May pitong bayan sa lalawigan ng Quezon ang nagpapatupad ngayon ng programang “Salintubig” Sa programang “Balikatan Unlimited with PIA” sa...

May pitong bayan sa lalawigan ng Quezon ang nagpapatupad ngayon ng programang “Salintubig”

Sa programang “Balikatan Unlimited with PIA” sa Radyo Pilpinas”- Lucena City, sinabi ni Engr. Jhon Joseph Vasquez ng panlalawigang tanggapan ng Department of the Interior and Local Government (DILG-Quezon) ) na layunin ng programa na mabigyan ng sapat at malinis na tubig inumin ang mga naninirahan sa pitong bayan kagaya ng Macalelon, San Narciso, Unisan, General Luna, Perez, Calauag at Panukulan, Quezon.

Sinabi pa ni Vasquez na nasa level 2 na ang programang “Salintubig” sa nasabing mga bayan at kapag umabot na sa level 3 ay maari nang makarating sa mga bahay-bahay ang daloy ng malinis na tubig.

“May 3 phases ang programang ‘salintubig’ kung saan ang Phase 1 ay ang pag-develop ng spring o source ng tubig, ang Phase 2 ay ang paglalapit ng source sa mga barangay sa pamamagitan ng mga kinakailangang kagamitan hanggang sa makarating sa mga bahay-bahay (Phase 3)” sabi pa ni Vasquez.

Nauna dito, nagsumite muna ng kani-kanilang project proposals ang mga lokal na pamahalaan o pitong bayan sa Quezon hanggang sa maaprobahan ng DILG.

Ang “Salintubig” ay programa ng nasyonal na pamahalaan na naglalayong matulungang magkaroon o madaluyan ng malinis na tubig ang mga bayan o barangay na walang tubig. (GG/Ruel Orinday,PIA-Quezon)

No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon