Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Nominasyon para sa Natatanging Anak ng Lucena 2017, nagpapatuloy

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Nananatiling bukas ang nominasyon para sa mga namumukod-tanging Lucenahin na mayroong mahalagang kontribusyon s...

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Nananatiling bukas ang nominasyon para sa mga namumukod-tanging Lucenahin na mayroong mahalagang kontribusyon sa iba’t-ibang sector ng lipunan sa lungsod.

Ang pag-gawad sa Natatanging Anak ng Lucena ay isinasagawa kada dalawang taon kaalinsabay sa pagdiriwang ng Araw ng Lucena upang kilalanin ang mga indibidwal na nakapag-ambag ng kanilang taglay na talino, galing at kakayanan sa ikauunlad ng isang particular na sector.

Ipinagkakaloob ang nasabing award sa mga mamamayan ng Lungsod na nag-excel sa ilang mga larangan gaya ng edukasyon, sining at kultura, sports, agrikultura, usaping pang-kalusugan, serbisyong pampubliko, relihiyon at iba pa.

Kaugnay nito, ang screening committee na binubuo ng ilang mga kinatawan mula sa Pamahalaang Panlungsod, pribado at pampublikong sector ay nag-pulong na upang talakayin ang mga batayan para maging kwalipikado ang isang indibidwal sa naturang parangal.

Isa sa mga guidelines para sa seleksiyon ng Natatangin Lucenahin ngayong taon ay kinakailangan na ipinanganak sa lungsod ng Lucena o kaya ay nanirahan dito sa loob ng 15 taon kaakibat ang dokumentong nagpapatunay na siya ay lehitimong Lucenahin.

Dagdag pa dito ang mga kontribusyon para sa lungsod o naibigay sa buong bansa na nagdala ng karangalan para sa Lucena.

Layon nito ang magbigay inspirasyon para sa mga kabataang Lucenahin upang kanilang tularan o higitan pa ang mga naiambag sa lungsod ng mga itinanghal na Natatanging Anak ng Lucena.

Samantala, itinakda sa August 4 ang deadline ng submission of entries at para naman sa mga karagdagang impormasyon hinggil sa naturang usapin ay maaaring makipag-ugnayan sa numerong 0932-863-4684, 0920-892-9577, 0928-635-7706. (PIO Lucena/J. Escuterio)

No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon