Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Blue Brigade’ binuo upang protektahan ang kapaligiran sa 3 bayan sa Quezon

Binuo ng Department of Environment and Natural Resources - Community Environment and Natural Resources Office (DENR-CENRO) - Real ang “Blu...

Binuo ng Department of Environment and Natural Resources - Community Environment and Natural Resources Office (DENR-CENRO) - Real ang “Blue Brigade” sa mga islang bayan ng Burdeos, Patnanungan at Jomalig.

Nilalayon nito na masugpo ang mga iligal na pagputol ng kahoy, iligal na pangingisda, iligal na pagmimina at anumang iligal na gawain na nakakasira sa kalikasan at karagatan sa mga bayang nabanggit. Bubuo ang bawat bayan ng isang brigada na pangungunahan ng kanilang punong bayan kasama ang pangulo ng Municipal Fisheries and Aquatic Resources Council (MFARMC), Municipal Environment and Natural Resources Officer (MENRO), Municipal Agriculturist at barangay captains. Tutulong sa bawat brigada ang Municipal Police Office at First Maneuver Platoon ng Quezon Provincial Public Safety Company (QPPS) upang masiguro ang kaligtasan ng mga kasapi ng Brigada sa pagtugon sa kanilang tungkulin.

Kaugnay nito, isang pagsasanay ang pinangunahan ng DENR-CENRO upang sanayin at bigyan ng kaalaman ukol sa batas pangkalikasan ang mga kasapi ng Blue Brigade sa pagpuksa ng mga iligal na gawain sa kanilang lugar.

Ang kanilang natutunan ay ipapatupad sa mga bayang nasasakop nila bilang Deputized Environment and Natural Resources Officer (DENRO) ng DENR.

Ang Blue Brigade ang tututok upang magkaroon ng agad ng katugunan na puksain ang anumang ilegal na gawain na nakakasira ng kapaligiran at likas yaman sa kanilang mga bayan. (Joselito M. Giron, PIA-Quezon)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.