Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Konsehal William Noche nanawagan sa mga mamamayan Lucenahin na patuloy na suportahan si Mayor Dondon Alcala

Kaugnay ng patuloy na pag-unlad ng Bagong Lucena sa pamumuno ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala, nanawagan si Councilor William Noche sa lah...

Kaugnay ng patuloy na pag-unlad ng Bagong Lucena sa pamumuno ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala, nanawagan si Councilor William Noche sa lahat ng mga Lucenahin na patuloy nitong suportahan ang alkalde.


Ayon kay Councilor Noche, tunay na nakikita ang kaunlaran ng lungsod dahil sa mga proyekto at programang ginagawa nito para sa mga mamamayan ng Lucena.


Ilan nga sa mga programa ng punong lungsod ay pamimigay ng Birthday Cash Gift, libreng konsulta at pagpapagamot para sa mga nakakatandang sector ng lipunan.


Bukod pa rin dito ang mga programa para sa kalusugan na Bagong Lucena Health Program na sadyang marami ang natutulungan lalo na ang mga kababayan nating may kakapusan sa pinanysal na aspeto at hindi kayang makapagpagamot sa ospital.


Isa rin sa mga ipinagmamalaki ng konsehal ay ang proyekto ng punong lungsod pagdating naman sa sector ng edukasyon na aniya ay malaki ang naitutulong sa mga kabataang Lucenahin.


Ang programang ito ay ang pamamahagi ng libreng gamit pang-eskwela sa halos 55,000 mag-aaral sa lungsod at ang paglilibre sa tuition fee sa kolehiyo sa Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena.


Ganoon din ang mga proyektong napapakinabangan na ng atin mga kababayan tulad ng Lucena City Government Complex, Lucena City Public Market at iba pa.


Ayon Noche, maging ang lahat ng mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ay nakasuporta rin sa lahat ng mga programa at proyekto ni Mayor Alcala.


Ayon pa rin sa konsehal, ang ilang mga panukalang ipinararating sa kanila ng alkalde ay kanilang tinatalakay at sinusuportahan lalo’t higit ang mga makatutulong sa mga mamayang Lucenahin.


Dagdag pa rin ni konsehal Noche, patuloy pa rin na nag-iisip ng mga programa si Mayor Alcala na tiyak na mapapakinabangan ng mga mamamayan ng Lucena.


Matatandaan na sa nakalipas na pasayahan sa lucena 2017 ay halos 1 milyon piso ang nakalap na pondo mula sa mga sponsors.


Samantala, pinasalamatan naman ni Mayor Dondon Alcala ang team ng pasayahan sa lucena 2017 sa pamumuno ng over-all chairman nito na si Mitzi Co at Consultant Arween Flores dahilan sa matagumpay na naidaos ang naturang Aktibidad. (PIO Lucena/J. Maceda)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.