Pormal na nagsimula kahapon ang paglalaan ng terminal ng jeep para sa mga bibiyahe patungo sa bagong city hall at ito ay matatagpuan sa bin...
Pormal na nagsimula kahapon ang paglalaan ng terminal ng jeep para sa mga bibiyahe patungo sa bagong city hall at ito ay matatagpuan sa binakanteng parking space ni Mayor dondon alcala sa lumang city hall sa panulukan ng allarey at ml tagarao streets.
Ang paglalagay ng terminal sa naturang lugar ay batay na rin sa kahilingan ng mga mamamayan na ipinarating kay city Admin Anacleto Jun Alcala sa isinagawang flag raising ceremony kamakailan.
Daglian namang tumugon dito ang sektor ng transportasyon sa pamamagitan ng pakikiisa ng ilang jeepney organizations sa lungsod.
Sa panayam kay Freddie Bravo pangulo ng PISTOL o pinag-isang samahan ng mga tsuper at operator sa Lucena ay nag-umpisa na sila kahapon. Tinatayang lilipas pa ang ilang araw bago ito makasanayan ng mga mananakay.
Sinabi din ni bravo na magsisimula sa pagitan ng alas-sais ng umaga hanggang alas-kuwatro ng hapon itataguyod ang nasabing terminal.
Inaasahan na sa pamamagitan nito ay magiging madali at konbinyente ang magiging pagtungo ng mga mamamayan sa new lucena city government complex. (PIO Lucena/J. Maceda)

No comments