Upang mas maging matagumpay ang paglalagay ng terminal ng jeep patungo sa Lucena City Government Complex sa bahagi ng lumang city hall, isa...
Upang mas maging matagumpay ang paglalagay ng terminal ng jeep patungo sa Lucena City Government Complex sa bahagi ng lumang city hall, isang kahilingan ang sinambit ng presidente ng Pinag-Isang Samahan ng Tsuper at Operator sa Lucena sa mga kinauukulan.
Ang kahilingang ito ay ang pagpapaalala sa lahat ng mga Lucenahin na mayroon nang terminal sa naturang lugar.
Ayon kay Freddie Bravo, malaking tulong ang programa ni Ginoong Arnel Avila na Pag-Usapan Natin upang ipabatid sa lahat ng mamamayan ng lungsod ang naturang terminal.
Dagdag pa rin ng presidente ng PISTOL, bagamat sa ngayon ay iilan pa lamang ang mga nakaaka-alam nito, umaasa naman sila na sa paglipas ng ilang araw ay madali na itong matutukoy ng mga Lucenahin.
Dagdag pa rin ng presidente ng PISTOL, bagamat sa ngayon ay iilan pa lamang ang mga nakaaka-alam nito, umaasa naman sila na sa paglipas ng ilang araw ay madali na itong matutukoy ng mga Lucenahin.
Humiling rin si Bravo sa kinauukulan, nang pagkakaroon ng mga signages sa lugar upang mas madali itong malaman ng mga nagdadaang pasahero.
Ang paglalagay ng terminal ng jeep sa lumang city hall na patungo naman sa Lucena City Government Complex ay batay na rin sa pag-uusap ng naturang samahan at ng pamahalaang panlungsod para sa mga empleyado ng city government na papunta sa nasabing lugar.
Gayundin ay para ito sa mga taong hindi pa nakakabatid na inilipat na ang ilang mga ahensya ng pamahalaang panlungsod sa LCGC at upang hindi na rin kinakailangan pa ng mga ito na maglakad ng malayo patungo sa ibang terminal.
Sa huli ay nanawagan rin si Pangulong Bravo sa lahat ng mga kapwa nito Lucenahin tangkilikin ang nasabing terminal na isa rin sa mga iminungkahi ng pamahalaang panlungsod para sa mga mananakay na mamamayan ng lungsod. (PIO Lucena/ R.Lim)
No comments