Upang mapanatili ang kalinisan at kagandahan ng bagong Lucena City Government Complex, isang kahlingan ang sinambit ni City Administrator A...
Upang mapanatili ang kalinisan at kagandahan ng bagong Lucena City Government Complex, isang kahlingan ang sinambit ni City Administrator Anacleto “Jun” Alcala Jr. sa mga Lucenahin.
Ito ay pagtatapon ng kanilang mga basura lalo’t higit ang mga upos ng sigarilyo sa mga tamang tapunan.
Ito ay pagtatapon ng kanilang mga basura lalo’t higit ang mga upos ng sigarilyo sa mga tamang tapunan.
Sinambit ng city administrator ang pahayag na ito sa isinagawang flag raising ceremony na kung san ay sinamantala na nito ang pagkakataon na kung saan maraming mga empleyado ng pamahalaang panlungsod ang dumalo dito.
Ayon kay City Administrator Alcala, ang kahilingan niyang ito ay batay na rin sa request ng OIC ng City General Services Office na si Rosie Castillo na kung saan aniya ay naglagay na ang mga ito ng mga ashtray at basurahan sa paligid ng naturang pasilidad.
Kahilingan pa rin ng mga nasabing opisyales na huwag nang itapon pa sa mga plant boxes ang basura nilang ito upang sa ganun ay hindi na rin mahirapan pa ang mga maglilinis sa lugar.
Gayundin ay upang lumaki at magumanda ang mga nakatanim na halaman sa mga plant boxes na nabanggit.
Gayundin ay upang lumaki at magumanda ang mga nakatanim na halaman sa mga plant boxes na nabanggit.
At sakali naman aniyang may mga kahilingan pa ang mga taong naninigarilyo para sa kanilang mas ikagagaan ay mangyari lamang aniyang ipagbigay alam ito sa kanila upang sa ganun ay kanilang mapag-aralan ito at mabigyan ng katugunan.
Ang request na ito nina OIC City General Services Office Rosie Castillo at City Administrator Jun Alcala Jr. ay sa pagnanais na rin na maging mas kaaya-aya pa ang kagandahan at kalinisan ng Lucena City Government Complex sa lahat ng mga magtutungo sa nasabing lugar. (PIO Lucena/ R.Lim)
No comments