Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Inagurasyon ng Panibagong School Building sa Cotta National High School, dinaluhan ni Mayor Dondon Alcala

Dinaluhan ni Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala kasama sina Vice-Mayor Philip Castillo, Board Member Beth Sio at City Schools Division Superint...

Dinaluhan ni Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala kasama sina Vice-Mayor Philip Castillo, Board Member Beth Sio at City Schools Division Superintendent Dr. Aniano Ogayon ang pormal na isinagawang inauguration ceremony ng panibagong school building sa Cotta National High School (CNHS) kamakailan.



Ang naturang school building ay ibinigay ng Pamahalaang Panlungsod katuwang ang tanggapan ng City School Division.



Naglalaman ng walong silid-aralan ang panibagong building na ito sa CNHS at mayroon itong dalawang palapag.



Ibinahagi din ng alklade sa mga dumalo dito na hindi na poproblemahin pa ng lungsod ang pagpapatayo ng mga karagdagang school building sa mga nangangailangang eskwelahan dahil sa darating na buwan ng setyembre o oktubre ay sisimulan ng i-bid ang tinatayang nagkakahalaga ng 480 milyong piso ng school building.



Aniya, nangangahulugan lamang ito na ang mga backlog pagdating sa naturang usapin ay mapupunan at matutugunan na ngayon sa pamamagitan ng pagtutulong-tulong ni 2nd District of Quezon Congressman Vicente ‘Kulit’ Alcala, 2nd District Board Member ng Sangguniang Panlalawigan Beth Sio, sang-ayon sa isinagawang rekomendasyon ni Ogayon.



Gayundin kung dati-rati ay nangungutang pa ang lokal na pamahalaan para lamang mayroong mailaan sa pagpapagawa ng mga karagdagang pasilidad ngayon ay hindi na nila kailangan pa itong gawin.




Alinsabay sa inagurasyon nito ang induction ng mga panibagong officers ng General Parents Teachers Association (GPTA) ng nasabing ekwelahan gayundin ang panunumpa ng mga estudyanteng iniluklok bilang maging mga opisyales ng bawat organisasyon sa nasabing eskwelahan.



Ipinaabot naman ni Mayor Dondon Alcala ang kaniyang pagbati sa mga bagong officers na ito at hangad niya na maging makabuluhan ang mga proyektong gagawin nila para sa mga Lucenahin na nag-aaral sa CNHS.



Ang pagdalo ni Mayor Dondon Alcala sa naturang aktibidad ay bilang pagpapakita ng kaniyang suporta sa naturang eskwelahan at sa mga organisasyong bumubuo dito at nakahanda siya upang tulungan at paglingkuran ang mga ito. (PIO Lucena/J. Escuterio)

No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon