Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Konsehal Atty. Sunshine Abcede-Llaga, inihain ang mga rekomendasyon para International Youth Day ng lungsod

Nais ni Konsehal Atty. Sunshine Abcede-Llaga, ang kasalukuyang Chairman ng Committee on Social Welfare, PWD’s, Senior Citizens, Women and t...

Nais ni Konsehal Atty. Sunshine Abcede-Llaga, ang kasalukuyang Chairman ng Committee on Social Welfare, PWD’s, Senior Citizens, Women and the Family ng konseho na maging bahagi ang lungsod ng pagdiriwang ng International Youth Day na itinakda ng United Nations noong ika-12 ng Agosto taong kasalukuyan.

Subalit dahil sa punong abala ang iba’t-ibang sangay ng lokal na pamahalaan sa pagdiriwang ng Linggo ng Lucena ngayon ay iminungkahi nito na gunitain ang naturang okasyon sa huling linggo ngayong buwan.

Ito ang naging paksa ng pribilehiyong pananalita ng nasabing konsehal sa regular na sesyon ng Sangguniang Panlungsod kamakailan.

Ayon kay Kon. Abcede-Llaga, base sa pag-aaral ng National Youth Commission sa kanilang inilathala na National Youth Assessment Study noong 2015 ay binigyang pansin nito ang ilang mga isyung mahalaga sa kabataan.

Kinabibilangan ito ng edukasyon, trabaho, kalusugan at partisipasyon.

Ito ang ilan sa mga paksang tinalakay ni Abcede na kinakailangang bigyang tugon hindi lamang ng national government kundi maging ng bawat local government unit (LGU) upang nang sa gayon ay nagkakaroon ng pagtutulungan sa bawat lebel ng pamaahalaan.

Kaugnay nito ay iniain ng naturang konsehala ang kaniyang mga rekomendasyon sa naturang usapin.

Una, nais niyang kilalanin ang galing ng mga kabataang Lucenahin na nabilang sa search for Ten Outstanding Students of the Philippines 2017 na sina Ericka Joy Orig at Arby Lagman na kapwa mula Manuel S. Enverga University Foundation (MSEUF) at CALABARZON Regional Awardee.

Ikalawa sa larangan ng partisipasyon ay kaniyang iminungkahi na sa huling session ng Sangguniang Panlungsod sa buwan na ito ay magkaroon ng mga mga kabataang gaganap ng kanilang mga katungkulan o youth counterparts maging sa barangay level.

Ikatlo, ang pagpasa ng ordinansa na may titulong Sangguniang Para sa Bayan, upang gawing ‘learnng platform’ ang Sangguniang Panlungsod hindi lamang ng mga kabataan kundi maging ng mga namumuno sa barangay.

At ang ikaapat naman ay ang ibayong pag-aaral o pag-update ng Children and Youth Development Code ng lungsod na gagampanan ng konseho at maging ng ilang mga ahensiya ng lokal na pamahalaan.

Naniniwala si Konsehal Sunshine, na nasa kamay ng mga kabataan ngayon ang kinabukasan ng lungsod at pare-pareho naman nilang ninanais na maging maganda ito.(PIO Lucena/J. Escuterio)

No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon