Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Lucena Talents Variety Show na bahagi ng Pagdiriwang ng Linggo ng Lucena, matagumpay na isinagawa

Matagumpay na isinagawa ang kauna-unahang Lucena Talents Variety Show na bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Lucena ngayong taon. Ginanap an...

Matagumpay na isinagawa ang kauna-unahang Lucena Talents Variety Show na bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Lucena ngayong taon.

Ginanap ang naturang aktibidad sa Pacific Mall Event Theatre, 3rd floor na nilahukan ng mga kabataang Lucenahin na may kanya-kanyang angking galing pagdating sa iba’t-ibang larangan ng sining gaya ng pagkanta, pagsayaw at pagtugtog ng mga musical instruments.

Pinangunahan nina Odette Garcia isang teacher mula sa Vocal and Chords Music School na matatagpuan sa 4th floor Lubi Bldg sa bahagi ng Enriquez cor Enverga Streetat Donna Cosejo ang may ari ng Miss D and The Company isang dance training and development center sa may Sta. AnnaBldg. M.L. Tagarao St. corner Osmeña Street.

Sina Garcia at Cosejo ang nagsilbing Chairpersons para sa partikular na aktibidad na ito at kanilang tinipon ang walong mga institusyon sa lungsod na may katulad nilang adbokasiya sa larangan ng sining upang maisakatuparan ang Lucena Talents Variety Show na ito.

Ibinida naman ng mga kabataang Lucenahin mula sa iba’t-ibang training center sa lungsod ang kanilang angking galing sa pagsasayaw, pagkanta at pagtugtog ng mga instrumento.

Samantala, personal namang dumalo si Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala sa nasabing aktibidad na ito kasama ang mga pangunahing personalidad sa pagdiriwang ng Linggo ng Lucena na sina Mitzi Co at Arween Flores.

Pinasalamatan din niya si Co at Flores sa pagbuo ng mga aktibidad para sa selebrasyon ngayong taon ng Linggo ng Lucena na dati-rati’y ginugunita ng isang araw lamang sa mismong Araw ng Lucena.

Ayon pa kay Mayor Dondon Alcala, makaaasa ang mga nakibahagi sa kauna-unahang Lucena Talents Variety Show na ito na lagi o taun-taon na itong makakasama sa week-long celebration ng Araw ng Lucena.

Ito ang ipinabatid ng alkalde sa mga manonood at miyembro ng naturang show upang higit na makilala ang iba’t-ibang talento ng mga kabataang Lucenahin.

Magsisilbi din ito bilang platform nila sa paglinang ng kanilang mga angking galing sa naturang larangan. (PIO Lucena/J. Escuterio)

No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon