Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Niyogyugan Festival 2017, nagsimula na

by Nimfa L. Estrellado August 19, 2017 Pormal nang sinimulan noong ika-17 ng Agosto ang pagdiriwang ng Niyogyugan Festival 2017 sa lala...

Niyogyugan Festival 2017, nagsimula na
by Nimfa L. Estrellado
August 19, 2017


Pormal nang sinimulan noong ika-17 ng Agosto ang pagdiriwang ng Niyogyugan Festival 2017 sa lalawigan ng Quezon. Pinangunahan ng ama ng lalawigan, Gob. David C. Suarez, kasama si Alona Partylist Representative Anna Marie V. Suarez, Vice Gob. Sam Nantes, board members Beth Sio at Raquel Mendoza, mga mayors ng iba’t-ibang bayan at mga department heads ang nasabing kaganapan kung saan isa-isang binisita ng gobernador ang mga nag-gagandahang booths ng 39 na bayan at 2 lungsod na taglay ang kanilang mga natatanging produkto.

Ang Niyogyugan Festival 2017 ay bahagi ng isang linggong pagdiriwang ng Quezon Day ngayong Sabado, na ang layunin ay itanghal ang mga produkto ng agrikultura na inani ng mga magsasaka mula sa iba’t ibang bayan ng probinsya. Ito ay simula Agosto 17 hanggang Agosto 25, 2017.

“Ang Agri-Tourism exposition ay isang paraan para i-promote ang industriya ng niyog, kaya ang mga booths o nipa hut na naka-display ay yari sa mga material na mula sa puno ng niyog. Kaya mayroon po tayong paligsahan para sa Best Booth at may nakalaang gantimpala para sa mga mapipili,” paliwanag ni Niyogyugan Festival Chairperson Aleta Suarez.





Ang iba pang bahagi ng pagdiriwang ay ang Araw ng Pamilyang Magsasaka na gaganapin sa Agosto 22 at tampok ang isang talent show; Folk Dance Competition; Tiyakad-Bunot race ng Quezon Young Farmers Federation; Trip to Polilio; at ang “Pinaka Contest” at herbal landscape contest.

Ang lalawigan ng Quezon, na ang pangunahing produkto ay niyog, ay kinilala sa bawa’t sulok ng bansa, at maging sa pandaigdigang komunidad dahil sa mga bayaning nagmula rito, sa magagandang tanawin sa iba’t ibang bayan, at ito ngang Niyogyugan Festival na taon taon ay talaga namang dinarayo upang saksihan ng mga lokal at banyagang turista.





Alinsunod sa programang Gawad-Saka ng ng Department of Agriculture, ginawaran ng pamahalaang panlalawigan ang mga Outstanding Farmers/ Fisherfolks sa Agosto 22.

Ang mga awardee ay sina: Domingo P. Marasigan, Sariya-Outstanding Corn Farmer; Angelito D. Mendoza, Sariaya, Oustanding High Value Crops Rosanna Sinapilo, Candelaria-Oustanding Organic Farmer; Florencio M. Perez, Tiaong-Outstanding Rice Farmer; Nilo P. Barameda, Calauag-Outstanding Fish Capture; Nenieveh F. Glinoga, Pitogo-Oustanding Small Animal Raiser Jerson G. Cabriga, Tayabas City-Oustanding Young Farmer Cabriga Family- Outstanding Farm Family. Pinagdalayan RIC, Dolores-Outstanding Rural Improvement Club; Lucban Integradong Kalakaran sa Agrikultura at Sambayanan-Outstanding Small Farmers’ Organization; and Infanta MAFC-Outstanding Municipal Agricultural and Fishery Council.

Nakisaya ang Umagang Kay Ganda sa araw ng pagbubukas ng Niyogyugan Festival 2017. Sa suporta ng ama ng lalawigan, Gob. David C. Suarez, kasama ang mga department heads mula sa iba’t-ibang tanggapan ng pamahalaang panlalawigan ay itinampok ang mga nag-gagandahang booths o kubo taglay ang mga produkto na sumisimbolo sa kani-kanilang bayan, kasabay nito ay ang tagisan ng mga kandidata ng Binibining Niyogyugan para sa kanilang Festival Wear Competition gamit ang mga kasuotang gawa sa niyog.

Inaasahan na dadagsain ng libo-libong mga bisita mula sa iba’t ibang sulok ng bansa ang kalakhan ng provincial Capitol at Perez park para personal na makisaya at bisitahin ang iba’t ibang kubo ng 39 na bayan at 2 lungsod dito sa lalawigan ng Quezon.

Bilang pagtatapos sa unang araw ng Niyogyugan Festival 2017, isinagawa ang grand finals ng dance competition sa Festival Stage, Perez Park. Wagi sa kategorya ng modern jazz ang bayan ng Tiaong, samantalang iniuwi naman ng bayan ng Pagbilao ang kampyonato para sa hiphop category. Nakatakdang magtanghal ang mga nanalong grupo sa isasagawang grand finals ng singing competition.

No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon