By Nimfa Estrellado Atimonan Mayor Rustico “Ticoy” Joven Mendoza , Vice President Leni Robredo and Congw, Helen Tan Atimonan, Quezon ...
By Nimfa Estrellado
Atimonan, Quezon - “Dati po pag dumadaan kami dito, medyo malungkot at madilim yung Atimonan pero pagdaan po ng ilang mga taon ay buhay na buhay na. Kaya ngayon pong hapon habang tinitingnan ko po, papasok pa lang po kami napakasaya nagsalubong po sa akin yung mga mag-aaral. Pag pasok ko po dito nakita ko na yung labing-apat na basic sectors represented; sabi ko napakalaki ang pag-asa ng pag-asenso ng Atimonan.”
Ito ang masayang ipinahayag ni Vice President Leni Robredo nang maging panauhing pandangal ito sa ginanap na 1st Atimonan CSO General Assembly noong Setyembre 22, 2017 sa Balagtas Sports Complex ng nasabing bayan.
Binati ng pangalawang pangulo ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor ng Atimonan na nagtipon para sa general assembly ng mga civic society organization (CSO).
Pinuri rin ni VP Robredo ang ayon sa kanya ay inisyatibo ng mga lokal na opisyal ng pamahalaang bayan ng atimonan, na umaasang makakabuo sila ng kanilang sariling People’s Council.
“I laud such move, as it is in line with our advocacy for empowerment of the different sectors and their participation in governance. We have long believed that giving the people a stake in governance makes development more attainable. It helps keep governments in check and the public responsible for their towns and cities as well,” dagdag na pahayag pa ni VP Robredo na taos-pusong nagpapasalamat kay Atimonan Atimonan Mayor Rustico “Ticoy” Joven Mendoza sa pag-imbita sa kanya, at sa pagsisikap nitong magkaisa ang mga mamayan para sa kaunlaran ng kanilang bayan, ganoon din si Congw. Helen Tan na dumalo rin sa nasabing kaganapan.
![]() |
Atimonan Mayor Rustico “Ticoy” Joven Mendoza , Vice President Leni Robredo and Congw, Helen Tan |

No comments