Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Trike drayber, dedo sa pamamaril

Patay ang isang trisikel drayber makaraang itong pagbabarilin nang di pa nakikilalang suspek sa brgy Malabanban Sur sa Candelaria Quezon n...

Patay ang isang trisikel drayber makaraang itong pagbabarilin nang di pa nakikilalang suspek sa brgy Malabanban Sur sa Candelaria Quezon noong Setyembre 15. Kinilala ng mga awtoridad ang biktimang napatay si Norberto Javier 37 anyos na residente sa brgy Masalukot Uno sa nasabing bayan. Sa imbestigasyon nang Candelaria PNP, pasado alas 2:00 ng madaling araw minamaneho nang biktima ang kanyang traysikel na walang plaka patungo ng San Juan Batangas nang mula sa likuran nito ay biglang lumabas ang suspek saka malapitang pinagbabaril ito.

Tama nang bala sa ibat-ibang parte ng katawan ang agarang ikinamatay nang biktima. Nagpapatuloy pa ang paghahanap ng mga awtoridad sa tumakas na suspek habang inaalam ang tunay na motibo ng krimen.( Malala Llaneta )

No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon