Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

City Administrator Anacleto ‘Jun’ Alcala, pinasalamatan ni Mayor Dondon Alcala

Pinasalamatan ni Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala si City Administrator Anacleto ‘Jun’ Alcala Jr., sa pagtulong nito sa tanggapan ng Traffic ...

Pinasalamatan ni Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala si City Administrator Anacleto ‘Jun’ Alcala Jr., sa pagtulong nito sa tanggapan ng Traffic Enforcement Section na kasalukuyang pinamumunuan ni Ret. Capt. Jaime De Mesa sa usaping pagsasa-ayos ng trapiko sa lungsod.

Ito ang binanggit ng alkalde sa isinagawang regular flag raising ceremony ng Pamahalaang Panlungsod kahapon.

Ayon kay Mayor Dondon Alcala, mayroong grupong binuo si City Admin Jun Alcala na siyang rumoronda at nagro-roving kung nasa tamang posisyon at lugar ang mga traffic enforcers na ang pangunahing tungkulin na mapanatiling maganda ang daloy ng trapiko.

Binati at pinasalamatan ng alkalde ang nasabing administrador ng lungsod sa kaniyang inisyatibo na gawin ang hakbanging ito upang makatulong na masolusyonan ang trapiko, na isa sa mga maituturing na problema sa Highly Urbanized City (HUC).

Subalit, inihiling din ni Mayor Alcala sa grupong rumoronda sa lungsod na kung maaari ay tingnan din ang kalalagayan ng lugar kung saan maaaring itapon ng bawat residente mula sa iba’t-ibang barangay ang kanilang mga basura upang nang sa gayon aniya ay mapanatili na may kaayusan ang lungsod.

Ang kahilingang ito ng ng alkalde ay kaniyang pagpapahalaga sa kapaligiran gayundin ang pagtataguyod niya ng isang malinis at may wastong sistema ng pagtatapon ng basura sa lokalidad.

Ilan lamang ang mga nabanggit na pamamaraang ginagawa ng lokal na pamahalaan sa pagtugon hindi lamang ng mga pangangailangan ng mga mamamayang Lucenahin kundi maresolba din ang mga isyung panlipunan. (PIO Lucena/ J. Escuterio)

No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon