Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mayor Dondon Alcala dumalo sa orientation ng bagong panuntunan ng Masa Masid

Dumalo bilang isa sa mga panauhing pandangal sa isinagawang oriyentasyon ng bagong panuntunan ng Masa Masid si Mayor Roderick “Dondon” Alca...

Dumalo bilang isa sa mga panauhing pandangal sa isinagawang oriyentasyon ng bagong panuntunan ng Masa Masid si Mayor Roderick “Dondon” Alcala kamakailan.

Ginanap ang nasabing aktibidad na ito sa Queen Margarette Downtown na kung saan ay nakasama rin niya dito ang iba pang panauhing pandangal na kinabibilangan ni DILG Regional Director Manuel Gotis at DILG Provincial Director Lionel Dalope.

Dumalo rin sa naturang seminar na ito ang City DILG na si Mam Vilam De Torres at ang 33 mga kapitan ng barangay sa lungsod kasama ang kanilang mga kagawad.

Present rin dito sina ABC President Jacinto “Boy” Jaca, CADAC Head Francia Malabanan at kinatawan mula sa Lucena City PNP.

Sa naging pananalita ni Mayor Dondon Alcala, kaniyang ipinahayag sa lahat ng mga dumalo dito ang buong pagsuporta sa pagpapatuapad ng ganitong uri ng proyekto sa lungsod.

Lubos namang pinasalamatan ni DILG Regional Director Manuel Gotis ang ipinahayag na pagsuporta na ito ng alkalde para sa naturang proyekto.

Ang Masa Masid ay isang programa ng Department of Interior and Local Government na kung saan ay tnutugunan nito ang krimen, iligal na droga, at katiwalian sa komunidad.

Ito ya binubuo ng Ugnayan sa Barangay at Simbahan o UBAS, Brangay Action Team, Civil Society Organizations, People’s Organization, Non-Government Organizations, mga miyembro ng CSO at NGO ng Barangay Anti-Drug Abuse Council, at Barangay Peace and Order Council.

Ilan sa mga layunin ng programa ang magkaroon ng advocacy at education campaigns tungkol sa illegal drugs, at magkaroon ng effective na community-based rehabilitation programs sa mga lokalidad. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon