Flash News
Mail Instagram YouTube YouTube
CALABARZON

Bilang ng mga naglalagak ng negosyo sa lungsod patuloy pa ring dumadami

Ang isang bayan o lungsod ay makikita ang pag-unlad dahil sa magandang pamamalakad ng namumuno dito at ito naman ang ginagawa ng pamahalaan panlungsod sa ilalim ng Administrasyon ng Bagong Lucena sa pamumuno ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala.

Makikita ang mga bagong itinatayong establisyemento at patuloy na dumadami ang bilang ng naglalagak ng negosyo sa lungsod.

Dahil kamakailan tinatayang aabot sa 40 ng mga negosyo malapit na rin buksan sapagkat matapos na pirmahan ng punong lungsod ang kanilang business permit sa ginanap na pagpupulong sa mga ito.

Isinagawa ang nabanggit na pagpupulong sa conference room ng Mayor’s Office at mismong si Mayor Dondon Alcala ang kumausap sa mga negosyante.

At kabilang din sa dumalo sa ginanap na aktibidad si Konsehal Vic Paulo at ang hepe ng PESO na si Arnold Cayno at mga staff nito ganoon din ang staff ng BPLO.

Nagpasalamat naman ang Alkalde sa mga negosyanteng na naroon sa pagtitiwala ng mga ito sa bagong lucena dahilan sa dito nag-invest ng kanilang negosyo.

At sa pakiusap din ang punong lungsod sa mga ito dahil sa mayroon local ordinance na ipinatutupad required sa lahat ng business establishment sa lungsod ang kanilang tatanggapin at prayuridad na magiging empleyado nila ay lihitimong lucenahin at registered voters ng lungsod.

Ganoon din ay nagpasalamat ang mga negosyanteng ito kay Mayor Dondon Alcala at nangako na buo ang suporta ng mga ito sa lahat ng mga programa at proyekto nito.

Ang pagdami ng mga negosyong ito sa lungsod ay patunay lamang na marami ang nagtitiwala sa pamamalakad ni Mayor Alcala sapagkat nakikita ng mga ito na tuloy tuloy ang pag-unlad ng Lungsod ng Bagong Lucena. (PIO Lucena/Jayr Maceda)

0 comments:

Post a Comment


Loading...