Flash News
Mail RSS
Quezon Province
Loading...

Inagurasyon ng mga bagong pasilidad sa Quezon Medical Center, isinagawa



by Allan P. Llaneta


LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Pinangunahan ni Quezon Governor David Jayjay Suarez ang inagurasyon ng mga bagong medical equipment at mga pasilidad sa Quezon Medical Center sa lungsod ng Lucena... Turn to p/3

Kabilang dito ang pasilidad nang OB ultrasound, dialysis machine, billing and settlement hub, digital X-ray / radiology, OB-ER expansion, cardiac monitor, 2D echo machine, ICU pay expansion at mga bagong silid.

Pinasalamatan nang Punonglalawigan si Quezon Medical Center Chief of Hospital, Dr. Rolando Padre sa patuloy na pagsuporta nito sa kanyang administrasyon.

Bahagi rin umano ng tagumpay ng mga proyektong ito ay ang samahan ng Provincial Government of Quezon sa mga private partners at iba pang mga ahensya ng pamahalaan. Isa na rito ay ang EQUILIFE na supplier ng ilan sa mga kagamitan sa pagamutan.

Ayon kay EQUILIFE President Abetina Valenzuela, ang matibay na samahan ng kanilang kumpanya at ng pamahalaang panlalawigan ay nagbibigay ng malaking tulong sa mga mamamayan ng Quezon lalo na sa usaping medikal.