Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

UNITED ARCHITECT OF THE PHILIPPINES QUEZON PROVINCE CHAPTER, BUMISITA SA TANGGAPAN NI MAYOR DONDON ALCALA

Bumisita sa tanggapan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang ilang mga miyembro ng United Architect of the Philippines, Quezon Province Ch...


Bumisita sa tanggapan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang ilang mga miyembro ng United Architect of the Philippines, Quezon Province Chapter kamakailang.

Pinagunahan ng bagong pangulo nito na si Alfonso Roy Reyes, kasama ang ilang pang mga miyembro na sina Architect Dennis Leo De Belen District director area ng B-4, Arch. Jestoni Oliveros, PPArch. Warren Quiambao, PP Arch Juanito Martili Jr at Arch. Louie Enriquez.

Malugod at mainit naman ang pagtanggap sa kanila ng punong lungsod sa kaniyang opisina.

Ilang sa mga napag-usapan dito ay ang pagtulong ng nasabing grupo sa Develoment plan ng lucena city.

Partikular sa diversion road area, river resocitation program at iba pa.

Ganoon din ay inimbitahan ng mga ito ang alkalde bilang panauhin pandangal sa isasagawa nilang joint induction of district B-4 at Quezon Province Chapter.

Gaganapin sa August 22, sa Queen Margarettee hotel diversion road Barangay Domoit Lucena City.

Samantalang nagpasalamat naman ang punong ehekutibo sa mga tulong ng mga ito.

At sa huli ay nagpakuha ng litrato ang mga ito kay Mayor Dondon Alcala. (PIO-Lucena/ J. Maceda)




No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: contact@sentineltimes.net
WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon