Flash News
Mail Instagram YouTube YouTube
CALABARZON

Director ng Quezon-Civil Service Commission, binigyang pasasalamat si Mayor Dondon Alcala

Dahilan sa mga naitutulong para sa maayos at magandang pamamalakad ng kanilang mga programa at proyekto, binigyang pasasalamat nig director ng Quezon-Civil Service Commission ang punong lungsod ng Bagong Lucena.

Inihayag ni Director Jacinto Mateo III ang taus pusong pasasalamat na ito kay Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa ginanap na flag raising ceremony.

Ayon kay Director Mateo, bukod sa ginagawang pagtulong at pagsuporta nito sa lahat ng kanilang ipinatututupad na programa at proyekto ay lubos rin niyang ipinagpapasalamat kay Mayor Alcala ang pagbibigay nito ng lupa dito sa lungsod ng Lucena na masassabing paglalagyan ng kanilang opisina.
Ito aniya ay dahilan na rin sa isinagawang usufruct agreement sa pagitn ng naturang ahensya at ng pamahalaang panlungsod.

Dagdag pa ng director, sa loob ng halos 20 taon nilang pagseserbisyo sa lalawigan ng Quezon ay walang nakapagbigay sa kanila ng pagtatayuan ng naturang tanggapan at tanging ngayon lamang sa panunungkulan ni Mayor Dondon Alcala nagkaroon ng katuparan na mabigyan sila ng opisina na matatagpuan sa compound ng dating city engineering office.

At bilang pasasalamat na rin ni Mateo, buong pagmamalaki nito na sakaling maitayo na ang kanilang building sa nasabing lugar ay tinitiyak nito na sa tuwing magdaraos ng regular flag rasising ceremony ay makikiisa sila dito tulad ng ginagawang pagdalo ng iba pang nasyunal na ahensya sa lungsod.
Samantala, pinasalamatan rin ni Mayor Dondon Alcala si Quezon-CSC Director Mateo sa pagtitiwala nito sa pamahalaang panlungsod at inihayag rin ng alkalde ang kaniyang patuloy na pagsuporta sa lahat ng mga programa ng mga ito.

Dagdag pa rin ng punong lungsod, sa lahat ng mga hakbangin lalo’t higit sa kapakanan ng mga kawani ng city government ay palagian siyang nagtatanong kay Director Mateo upang sa ganun ay mas maging maayos ang resulta nito dahilan na rin sa magandang payo ng naturang opisyal.
Ang hakbanging ito ni Mayor Dondon Alcala na pagsuporta sa mga programa at proyekto ng mga nasyunal na ahensya ay isang paraan lamang niya ng pagpapakita ng maayos na pakikitungo sa mga ito gayundin ang kaniyang paggalang sa lahat ng mga opisyales ng mga ito dahilan sa isa sa mga ninanais ng alkalde ay ang magkaroon ng maayos at matahimik na ugnayan ang lahat ng mga tanggapan sa lungsod maging local man o nasyunal ang mga ito.(PIO Lucena/ R. Lim)

0 comments:

Post a Comment


Loading...