Flash News
Mail Instagram YouTube YouTube
CALABARZON

LET’S CELEBRATE LIFE - PPLB Boyong Boongaling



Nasa larawan si BM Boongaling, SKFP Irish Armando, SKFP Davelyn Arienda ngCandelaria, Mayora Boongaling at mga opisyal ng barangay ng Masalukot I.

by Ace C. Fernandez, Lyndon B. Gonzales @laligapilipinas

Candelaria, Quezon – Mainit na pagbati mula sa mga malalapit na kapamilya, kaibigan at mga kapanalig sa politika na kapwa niya lingkod sa bayan ang siya nilang ipinadama sa Birthday Celebration ni PPLB President Ireneo “Boyong” C. Boongaling. At tila walang kapaguran ang tinaguriang New Kid on the Block sa mainit na pagsalubong at pasasalamat sa mga dumarating na mga kaibigan at kapamilya.

“Happy Birthday Boss” ang sabi ng mga PPLB staff na sina ate Aline, ate Espie, ate Tany, ate Angel, ate Lanie at “Maligayang Kaarawan sayo anak” ang malambing at puno ng pagmamahal na pagbati mula sa kaniyang nanay na si Mommy Rosie Boongaling at kapatid na bukod sa maganda ay punong-puno pa ng masasayang kwento itong si Mrs. Emma B. Suayan, ang asawa ni V. Mayor George Suayan ng Candelaria. Hindi lang magaling na punongbayan si Mayor Macky Boongaling kundi magaling na host sa birthday celebration katuwang ang kanyang magandang may bahay na si Mayora Boongaling.

Hindi mawawala ang pundadores ng pamilya Boongaling sa bayan ng Candelaria na si Tatay Luding Boongaling na nanatiling simple at may mababang kalooban na handang tumulong anumang oras na iyong kailangan. Kitang-kita sa kanyang mukha ang kaligayahan dahil ang dahil ang kanyang anak ay isa ng Board Member ng lalawigan at nagsi-celabrate ng ika-40th birthday.

Kumpleto ang celebration ni Bokal Boyong dahil nanduroon ang kanyang asawang maganda at mapagmahal na si Mrs. Zaide Boongaling at mga anak. Nang tanungin si PPLB President Ireneo “Boyong” Boongaling ng Sentinel Times Weekly kung ano pa ang kanyang mahihiling sa kanyang kaarawan ay masaya niyang sinabi na “Let’s Celebrate Life” at paglingkuran ng tama ang taong bayan.

.
Nag-uusap sina Vice Gov. Sam Nantes, Birthday
Celebrant Boyong Boongaling, BM Llamas,
nasa likod Mayor Macky Boongaling.

Nasa larawan si Tatay Luding Boongaling at 2nd Dist. BM Beth Sio


Ang masarap na cake para sa Birthday Celebrant at
inspirasyon ng kanyang buhay Mrs. Zaide Boongaling.



Nasa larawan sina BM Boongaling at ang PPLB Media Bureau,
Ace Fernandez, Lyndon Gonzales, at Sol Lozano.

0 comments:

Post a Comment


Loading...