Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Brgy Officials malaki ang ambag sa lipunan at pamahalaan – PPLB Pres. Boongaling

Si PPLB President Ireneo “ Boyong” Boongaling habang nagbibigay ng mensahe sa mga dumalo ng BNEO Towards Great na ginanap sa Queen Margar...

Si PPLB President Ireneo “ Boyong” Boongaling habang nagbibigay ng mensahe sa mga dumalo ng BNEO Towards Great na ginanap sa Queen Margarette Hotel kamakailan.
by Ace C. Fernandez, Lyndon B. Gonzales @laligapilipinas

Queen Margarette Hotel Domoit, Lucena City – Nararamdaman na ng kanyang mga kasamahan sa PPLB o ang Pederasyon ng mga Pangulo ng Liga ng Barangay kung anong klase ng liderato at kung anong uri ng isang lingkod ng bayan ang kasalukuyang PPLB President Ex-Officio Board Member Ireneo “Boyong” C. Boongaling ng Sanguniang Pang lalawigan ng Quezon. Sa simula pa lamang ay ipinakita at ipinadama ng PPLB President kung papaano siya maging hands-on sa lahat ng kanyang mga responsibilidad bilang pinuno ng nasabing samahan. Kaya naman pinasalamatan siya ni DILG - Quezon Provincial Director Lionel Dalope, kasama ang DILG cluster head ng bayan ng Candelaria na si MLGOO Wilma de Torres itong si BM Boongaling sa kanyang pagsuporta sa ginagawang BNEO Towards Great o Barangay Newly Elected Officials Towards Grassroots Renewal and Employment for Accountable and Transparent Barangay. Sa mensahe para sa mga dumalo ng BNEO ng Pagbilao at Candelaria Quezon ay sinabi ni PPLB President Boyong Boongaling na bagaman at maliit na unit lamang ng pamahalaan ang barangay, ang mga Barangay Officials naman umano ay malaki ang nagiging ambag sa lipunan at pamahalaan lalo na sa peace and order, disaster relief operations at ang paglaban sa illegal na droga. Nagbigay pa ng tagubilin si Boongaling sa mga barangay officials na kung sila ay magtatalaga ng kapwa manggagawa sa barangay ay dapat umanong tiyakin ng barangay Chairman na hindi involved sa illegal na droga ang itatalaga nito at dapat ay magtatrabaho ng mabuti.

Sa panayam ng Sentinel Times Weekly kay BM Boongaling ay sinang-ayunan niya ang ginagawang pag-iimbestiga sa mga Local Chief Executive na inabandona ang kanilang bayan sa panahon ng kalamidad. Matatandaan na si DILG Secretary Eduardo Año ay nagbanta na kanila na kakasuhan ng administratibo at kriminal ang sinumang mga Mayors na wala sa kanilang bayan ng tumama ang bagyong Ompong na isa sa pinakamalakas na bagyo na dumating sa ating bansa ngayong taong ito. At dito nga ay malaki ang napinsala sa infrastructures at kabuhayan sa sektor ng mga magsasaka sa Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region, na ayon kay DILG Under Secretary Bernardo Florece Jr. USEC for peace and order ng nasabing ahensya ay halos 16 na mayor na ang kanilang na-validate na wala sa kanilang munisipalidad sa panahon ng kalamidad. Aniya, pag napatunayan ang mga ito ng kapabayaan ay tiyak na pananagutin sila sa ilalim ng mga batas ng Local Government Code at DILG Operation Listo Protocols. Idinagdag pa ni Bokal Boongaling na dapat lang umanong maging pantay ang imbestigasyon na gagawin ng nasabing ahensya at wag sana itong mahaluan ng politika.

Samantala, nagpapasalamat at pinuri ni ABC Gerardo Gimenez ng Agdangan Quezon ang ginagawang pagyakap sa kanilang lahat na miyembro ng PPLB ni BM Boyong Boongaling. Hindi daw nila umano naramdaman ang sila ay ini-etsepwera ng bokal sa kabila ng katotohanang ang grupo niya ang siyang nakatunggali ni Bokal Boongaling sa PPLB Presidency. Ito ika niya ay patunay na hindi lang sa salita kundi sa gawa ang kanyang sinasabing pagkakaisa at political reconciliation. Umasa umano si BM Boongaling na susuportahan nila ang lahat ng magagandang programa ng PPLB President para sa kabutihan ng kanilang mga mamamayan sa barangay.


Attended at Barangay Newly-Elected Officials​ (BNEO) Orientation Seminar in Candelaria, Pagbilao Quezon Sept 20,2018 @Queen Margaret Hotel Lucena city. With Hon.Ireneo”Boyong”Boongaling PPLB President and DILG Provincial Director Lionel Dalope,Ms Vilma De Torres Cluster Head of DILG,Candelaria ABC President Hon.Morel Escalona, Pagbilao ABC President Will Zafra.

No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon