Flash News
Mail RSS
Quezon Province
Loading...

Isa sa pinakamalaking kolehiyo sa Quezon tinupok nang apoy



by Allan P. Llaneta

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Nilamon nang apoy ang halos lahat nang gusali nang Sacred Heart College sa barangay 2 sa lungsod nang Lucena umaga nang Enero 1.

Ayon sa Lucena City Beureu of Fire nag-umpisa ang sunog pasado alas otso nang umaga kung saan umabot sa general alam ang sunog dahilan sa sobrang laki nang pinsala nito.

Kagyat na pinalikas nang mga awtoridad ang mga residente sa mga bahayan malapit sa paligid nang eskwelahan na siya ring nirerentahan nang mga estudyante.

Halos tatlong oras tumagal ang sunog na naapula lamang ganap na alas onse na nang umaga.

Kabilang sa rumesponde sa sunog ang Chinese - Filipino fire brigade volunteers na malapit sa lugar.

Sinasabing ang nasunog na kolehiyo ang isa sa pinakamatanda at pinakamalaking kolehiyo sa Quezon na pinatatakbo nang Romano katoliko.