Flash News
Mail RSS
Quezon Province
Loading...

PAGKILOS NG MILYONG-MILYONG PILIPINO SA EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION, WALANG KINALAMAN ANG KAHIT ANONG KULAY AYON KAY KONSEHAL NICK PEDRO

Konsehal Nicanor “Manong Nick” Pedro


Bunsod sa kalagayan ng kasalukuyan panahon, kapag nababanggit ang edsa people power revolution ay laging ikinakabit ang dilawan.

Ito ang ilan sa nabanggit ni Konsehal Nicanor “Manong Nick” Pedro sa kaniyang pribilehiyong talumpati sa regular na sesyon ng sangguniang panlungsod kamakailan.

Ayon kay Pedro, ang pagkilos aniya ng mga sambayanang pilipino noong sa edsa ay walang kinalaman ang kulay kung dilaw, pula, asul at kahit anong kulay pa.

Ayon dito ang kaniyang binuksang paksa sa konseho ay upang ipaalam na ang istorya ay ang pagbabalik ni Ninoy Aquino noon sa bansa.

Na sa istorya ay ikinabit sa Tie a yellow ribbon round the ole aok tree.

Sinabi pa ni Konsehal Pedro, naging pupolar ang naturang kanta na sa ngayon ay ikinakabit ang katagang dilawan, na parang dilawan lamang ang nagsulong ng edsa revolution.

Muli naman binanggit nito na sa kasaysayan kaya tinawag na people power revolution ay dahil tao ang nagsimula nito at walang kinalaman ang kahit sinong kulay.

Ito ay upang maging demokrasya ang bansa at makawala sa pagiging dektatorya.

Nabanggit rin ni Pedro, na ang pangulong Duterte ay ipinagmamalaki nito at inihahayag na dapat natin alagaan, tularan at alalahanin ang pangyayari sa edsa.

Sinabi pa ng pangulo umano na isang mabuting bagay ang naganap sa at bansa.

Idinagdag pa ng konsehal, na naging modelo rin ang ating bansa sa naganap na edsang ito.

Dahilan aniya na marami rin mga bansa ang sumunod sa yapak na ginawa ng sambayanan pilipino upang makamit ang demokrasyang inaasam.

Samantalang sinabi pa Pedro, malawak ang imahinasyon ng mga pilipino sa pagkat sa pagkilos sa demokrastikong pakikiba ay naikabit ang istorya ng sikat na kantang tie a yellow ribbon round in the ole oak tree sa pagbabalik sa pilipinas ni Ninoy.

Na hindi naman sa istorya ng kantang nabanggit ay dapat na ikabit ang dilawan sapagkat mabuti ang nangyari naalis ang diktatorya at nangibabaw ang demokrasya sa pilipinas. (PIO-Lucena/J. Maceda)