Flash News
Mail RSS
Quezon Province
Loading...

SANGGUNIANG BARANGAY 8, MULING NAGKALOOB NG BIGAS SA ILANG MGA RESIDENTE

Muling nagkaloob ng tig limang kilong bigas sa mapapalad ng limang residente ng Barangay 8.

Ang nasabing pagkakaloob ng bigas ay tuwing unang lunes ng buwan sa ginaganap na flag raising ceremony ng naturang barangay.

Ang pagkakaloob ng bigas na ito ay pinangunahan ni Kapitan Mandy Suarez sa mismong barangay hall nila.

Sa pagkakataon ito nanggaling sa list ng Voter’s registration nila ang mga mapapalad na nabunot na kung saan nga ay limang mga residente ang napagkalooban ng limang kilong bigas na ito.

Ayon naman sa kapitan kahit na aniya wala sa flag raising na isinagawa kahit sa anak, pamangkin o magulang na naroon ay ibinibigay nila ang bigas kapag nabunot ito.

Matatandaan na naging pangako na ito ng butihing Chairman ng Barangay 8 sa kaniyang mga kabarangay simula ng ito ay manungkulan bilang kapitan.

At sa ilang buwan napatigil ito kung kaya naman ay hinahanap hanap ng mga residente ang nasabing pagkakaloob ng bigas na ito.

Kung kaya naman ay muli itong ibinalik ni Kapitan Mandy Suarez na tulad ng kaniyang ipinangako noon siyay unang nanungkulan ay patuloy na ang pagkakaloob ng bigas.

Na ang tanging hangad naman ay mabigyan ng kauting kaginhawahan at maibsan ang gastusin sa pang-araw araw ng mga kabarangay niya. (PIO-Lucena/J.Maceda)