Flash News
Mail Instagram YouTube YouTube
CALABARZON

BRAD-type building pinasinayaan

July 13, 2019


BATANGAS CITY- Pinangunahan nila Mayor Beverley Dimacuha, Cong. Marvey Mariño, OIC School Division Superintendent Donato Bueno at iba pang mga school officials ang pagpapasinaya ng 2 -storey Beverley Rose A. Dimacuha (BRAD)- type building sa Batangas City East Elementary School para sa mga departamento ng nasabing paaralan..

Ang P17.1 million-project na ito ng pamahalaang lungsod ay itinayo sa 728 sq. m. lot, at may anim na malalaking rooms at dalawang common rest rooms. Ito ay gagamitin ng medical, accounting, finance and budget sections at ng district supervisor.

_____ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW_____




Sinabi ni Engr. Eduardo Ulit, engineer III ng DEPED Batangas City, na “laking alwan ang pagkakaroon namin ng bagong gusali dahil hindi na kami mag sisiksikan at ang lumang building ay gagamitin na lamang bilang storage area ng aming mga kagamitan.”

Hiniling naman ni Dr. Donato Bueno OIC school division superintendent na alagaan at ingatan ang bagong gusali ng sa gayon ay mapakinabangan pa ito ng mga susunod na henerasyon. LIZA PEREZ DE LOS REYES/PIO Batangas City.

0 comments:

Post a Comment


Loading...