Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mga programa ng pamahalaang nasyunal isinulong sa Dagyaw 2019 sa Batangas

by Mamerta De Castro August 24, 2019 LUNGSOD NG BATANGAS - Pinangunahan ng Department of Interior and Local Government (DILG), Departmen...

by Mamerta De Castro
August 24, 2019


LUNGSOD NG BATANGAS - Pinangunahan ng Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Budget and Management (DBM) at Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang Dagyaw 2019 sa Batangas City Convention Center (BCCC) noong ika-13 ng Agosto kung saan isinulong ng mga ito ang iba't-ibang mahahalagang programang nakatalaga sa kanila.

Ang Dagyaw ay salitang Hiligaynon na ang ibig sabihin ay usap-usap o pagsasama sama ng isang komunidad upang makabuo ng iisang layunin o adhikain. Isang pamamaraan ito upang ang pamahalaan ay lumapit sa mga tao at ipaalam ang mga programa ng pamahalaang nasyunal tungo sa kaunlaran.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Sa panimulang salita ni Batangas City Mayor Beverley Rose Dimacuha, nagpaabot ito ng pasasalamat sa administrasyong Duterte sa patuloy na pag-alala sa lungsod at lalawigan ng Batangas. Nagpahayag din ito ng buong suporta sa anumang adhikain ng pamahalaan dahil ito din aniya ang hangad ng pamahalaang lungsod para sa mga mamayang Batangueno.

Ayon kay DILG Regional Director Manuel Gotis, ang Calabarzon ay itinuturing na super region dahil sa yamang taglay nito hindi lamang sa resources kundi maging sa angking galing ng mga tao dito sa kabila na marami pang “challenges” o pagsubok ang kakaharapin nito.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Sa mensahe ni DILG Assistant Secretary for Plans and Programs Francisco Cruz, binigyaan diin nito ang kahalagahan ng pakikinig at pagtugon ng pamahalaan sa mga concerns ng taumbayan. Aniya mahalaga na maging bahagi ang komunidad sa mga programa para sa patuloy na paghahanda at pagsusulong sa kaunlaran.

Kaugnay nito, tinalakay ni Cruz ang iba’t-ibang programa ng DILG kabilang ang Hotline 8888, Citizens Satisfaction Index Survey, Development Live Application, Regional Townhall Sessions at Seal of Good Local Governance. Nakahanay din ang mga bagong inisyatiba ng ahensya katulad ng Retooled Community Support Program to end local communist armed conflict; 2019 SONA Directive na magsagawa ng road clearing operations at pagpapalakas ng adbokasiya ukol sa climate change at disaster preparedness.

Sinabi naman ni DBM USec Janet Abuel na inaasahang ang Dagyaw ay magiging pangunahing kampanya ng pamahalaan upang mailapit sa mga tao ang programa nito.

Tinalakay ni Department of Social Welfare and Development 4A Regional Director Annie Mendoza ang mga usapin ukol sa malnutrisyon at teenage pregnancy na ilan sa mga problemang kinahaharap ng Calabarzon.

Ipinakita naman ni Engr. Carlo Sawali mula sa Department of Transportation(DOTr) ang mga programa sa ilalim ng Build, Build, Build na isa sa mga pangunahing programang isinusulong ng administrasyon.

Kabilang dito ang konstruksyon ng Sangley Airport sa Cavite, Paranaque Integrated Terminal Exchange, Taguig City Integrated Terminal, Toll road projects mula Batangas papuntang Quezon, paglalagay ng Philippine Railway Institute sa taong 2022.

Tinalakay din ang iba pang inisyatibo ng DOTr tulad ng Public Utlitiy Vehicle modernization, libreng train rides at waived terminal fees para sa mga mag-aaral at paggamit ng social media upang mas madaling maipalaganap ang kanilang mga programa.

Sa huli ay nagkaroon ng open forum kung saan ilan sa mga isyung tinalakay ay ang Mendicancy Law, Accesbility Law, Bottoms-Up Budgeting, 4Ps issues at mga usapin hinggil sa lokal na pamahalaan.

Tinatayang humigit kumulang sa 500 katao mula sa iba’t-ibang sector tulad ng lokal na pamahalaan, senior citizens, civil society organizations, academe, local media at iba pa ang dumalo dito. (BHABY P. DE CASTRO-PIA BATANGAS)

No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon