Flash News
Mail Instagram YouTube YouTube
CALABARZON

Modernong public market sa PGarcia, on-going pa rin

by Lolitz L. Estrellado
August 17, 2019

PADRE GARCIA, Batangas - Hindi pa tapos at kasalukuyan pa ring on-going ang konstruksyon ng modernong public market sa bayang ito na isa sa mga prayoridad na proyekto ng dating punong bayan, Mayor Michael Angelo C. Rivera.

Si Mayor Michael ay papalitan ng kanyang butihing maybahay na si Celsa Braga Rivera, na nagtamo ng landslide victory nitong nakalipas na eleksyon.

"Wala namang mababago. Tutukan muna po natin ang ating negosyo na medyo napabayaan. Palagi rin po tayong nakaalalay kay misis at tuloy-tuloy po ang ating mga programa," pahayag ni Mayor Michael. 

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Ang Public Market Building ay may pondong 75 milyong piso habang ang Public Market Facade ay may P7-milyong pondo. Ang 2-storey building ay mayroong security block sa ground floor ay nakalaam para sa police outpost, at ATM Lounge habang ang second floor ay ang TMD Station with balcony, sound system (Control Tower) at CCTV Control Area, Ang canopy ay magiging covered parking area at transport terminal namin.

Inaasahan na kapag natapos na ang konstruksyon ng makabagong pamilihang bayan ng Padre Garcia, magiginhawahan na sa pamimili. Ang mga tao at papasok pa ang maraming negosyante. 

Marami pang magagandang proyektong isinasagawa ang administrasyong Rivera kaya naman mahal na mahal ito ng kanyang mga kababayan.

Ayon sa mga kapitan ng barangay at residente rito, kung anong suporta at kooperasyon ang ibinigay nila kay Mayor Michael ay siya ring ipagkakaloob nila kay Mayon Celsa.

0 comments:

Post a Comment


Loading...