Flash News
Mail Instagram YouTube YouTube
CALABARZON

SANGGUNIANG BARANGAY NG DOMOIT, MULING NAGSAGAWA NG CLEAN UP DRIVE SA KANILANG LUGAR

November 9, 2019

Bago pa man ang sumapit ang Undas 2019 nagsagawa ng Clean Up Drive ang Sangguniang Barangay ng Domoit sa kanilang lugar.

Pinangunahan mismo ng masipag na barangay Chairman ng nasabing barangay na si Noel Trinidad kasama ang ilang mga kagawad nito, Sangguniang Kabataan , 4Ps, Coordinator, Tanod, Purok Leader at iba pa.

Sa pagkakataon ito ay nilinis ng mga ito ang gilid ng Diversion Road ng Domoit.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Gamit ang mga panlinis tulad ng Palad, walis, pandakot, sakot at iba pa pinagtulong tulong linis ng mga ito ang side walk sa Diversion Road.

Layunin ng nasabing paglilinis na ito ay upang maging magandang tingnan sa mga motorista na bumabagtas sa kahabaan ng nasabing kalsada.

At ganoon din ay maiiwas na rin sa anumang sakit at mikrobyo na nanggagaling sa basura.

Nagpasalamat naman ni Kapitan Trinidad sa lahat ng nakatuwang nilang ito sa paglilinis sa bahagi ng Diversion Road. (PIO-Lucena/J. Maceda)






0 comments:

Post a Comment


Loading...