Flash News
Mail Instagram YouTube YouTube
CALABARZON

SANGGUNIANG BARANGAY XI, NAGSAGAWA NG OPLAN GALUGAD SA KANILANG LUGAR

November 9, 2019

Kamakailan ay nagsagawa ng Oplan Galugad Sangguniang Barangay XI sa kanilang lugar

Ito’y upang maprotektahan sa anumang uri ng krimen ang mga residente nila at masugpo ang ano pa ilegal aktibidad.

Pinangunahan mismo ni Kapitan Peter Daleon kasama ang lahat ng Barangay Police at sa pakikipagtulungan ng ilang tauhan ng Lucena City PNP.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Inikot ng mga ito ang lugar lalot higit ang mga madidilim na bahagi ng kanilang lugar, siniguro ng mga ito na wala kahit anong masamang gawain at mapagsamantalang mga kawatan at para mabigilan na rin ang mga ito.

Layunin ng nasabing aktibidad ay upang mapigilan at mahuli ang ilang gawain gumagamit pa ng ilegal na druga na kahit pa kasama ang kanilang barangay sa drug clear ay hindi sila tumitigil sa pag-iikot sa kanilang nasasakupan.

Ayon naman sa kapitan ay patuloy pa rin nilang gagawin ang nasabing oplan galugad sa kanilang lugar.

Ang oplan galugad na ito ay programa ng Lucena PNP na ang tanging hanggad ay maging ligtas ang mamamayan ng lungsod ng lucena sa anuman klase ng krimen. (PIO-Lucena/J. Maceda)

0 comments:

Post a Comment


Loading...