By Ruel Orinday March 28, 2020 LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Tumatanggap na ng applikasyon via online o email ang Department of Labor a...
March 28, 2020

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Tumatanggap na ng applikasyon via online o email ang Department of Labor and Employment (DOLE)- Quezon para sa P5,000 cash aid.
Ang cash aid ay bahagi ng COVID Adjustment Program (CAMP) na naglalayong matulungan ang mga manggagawa sa pribadong sektor na pansamantalang pinatigil muna sa kanilang trabaho dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon upang mapigilan ang paglaganap ng coronavirus disease (COVID)-19.
Sinabi ni Provincial Labor Officer Edwin Hernandez na kailangang kasama sa payroll ang pangalan ng isang manggagawa na ipapasa o isusumite ng employer sa DOLE upang makatanggap ng cash aid na P5,000.
___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___
"Ang isusumiteng payroll na pirmado ng manager at mga manggagawa ay dapat mula sa buwan ng Pebrero hanggang Marso 15, 2020. Bukod dito kailangan din magsumite ang employer (via online/ email) ng Establishment Report on COVID," sabi pa ni Hernandez
Dagdag pa ni Hernandez, ang lahat ng dukomento kasama ang payroll ay subject for evaluation and approval ng regional office ng DOLE.
Kailangan ipadala ang mga dokumento sa doleqpo.ew@gmail.com (Ruel Orinday-PIA-Quezon)

No comments