April 24, 2020 (Photos: Batangas City PNP) Apatnapung residente sa Batangas City ang naaresto dahil sa paglabag sa enhanced commun...

(Photos: Batangas City PNP)
Apatnapung residente sa Batangas City ang naaresto dahil sa paglabag sa enhanced community quarantine simula ng ipatupad ito, March 16.
Ayon sa report ng Batangas City Police, April 22, 23 dito ay pansamantlang nakalaya sa pamamagitan ng piyensa at 17 naman ang naka detene pa sa City PNP detention cell.
Nakahanda naman ang kasong isasampa sa 16 pang iba na inaresto sa kaparehong paglabag na karaniwan ay ang pauli-uli sa kalye na wala namang maipakitang quarantine pass, anumang dokumento o dahilan ng paglabas sa kanilang mga bahay. Ilan rin ang inarestong nahuling nagsusugal.
Isang residente naman na nagpakalat ng fake news ang nakatakdang sampahan sa kasong paglabag sa RA 11332 o Law on Reporting of Communicable Diseases at RA 11469 o Bayanihan To Heal As One Act. (PIO Batangas City.)
No comments