Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Binangonan patuloy ang suporta sa frontliners

By Kier Gideon Paolo M. Gapayao April 29, 2020 LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal—Pagkain, pansamantalang tirahan, transportasyon at iba pang su...

By Kier Gideon Paolo M. Gapayao
April 29, 2020


LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal—Pagkain, pansamantalang tirahan, transportasyon at iba pang suporta and handog ng Pamahalaang Bayan ng Binangonan sa frontliners na nagsisilbi ngayong panahon ng COVID-19 ayon sa opisyal na Facebook Page ng pamayanan.

Marami sa frontliners na naitalaga sa iba’t-ibang brgy. health station at ospital ng Binangonan ay nanggaling sa iba’t-ibang bayan kaya minarapat ng Pamahalaang Bayan na matuluyan ng mga doctor, nurse, midwifes at DSWD staff ang Binangonan Recreation Conference Center Hotel (BRCC) para hindi mahirapan sa pagpasok at paguwi habang pinapatupad ang Enhanced Community Quarantine.

Mayroon ring ayuda sa pagkain (packed meals) araw araw ang frontliners upang makasiguro na hindisila magugutom sa kabila ng pagkasarado ng ilang mga restaurant at bilihan ng pagkain. Mayroon ring nakalaang supply ng Vitamin C upang makapagpalakas ng kanilang immune system.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Naglaan rin ang munisipyo ng mga sasakyan at driver araw-araw upang masundo at hatid ang mga frontliners na malapit lamang ang mga tirahan at maihatid sa kanilang respective area of assignment.

Kasama rin sa ibang suporta ng munisipyo ang pagpapagawa at paglalagay ng physical barriers tulad ng plastic shields at face shield para maiwasan ang exposure sa COVID-19 sa triage and konsultasyon, pagbili at paghahanda ng sapat at tamang Personal Protective Equipment (PPE) at pagbibigay ng kaukulang hazard pay na naayon sa batas dahil sa panganib na dala ng kanilang gawain tulad ng direct at indirect exposure sa mga pasyente at infectious materials. (PIA Rizal, may ulat mula sa Pamahalaang Bayan ng Binangonan Facebook Page)


Powered by Google



No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.